"ANINO NG NAKARAAN"
Linikha ni : Deceillar Prain
Para kay : Ate Yanie Writes / Aria VillaTakot ang nararamdaman, takot na maulit na naman
Hindi ko magawang muling magbigay ng pagmamahal
Kasi nga baka maulit na naman
Hindi ko magawang kiligin sa mga banat na inilalaan
Sapagkat baka maulit na naman
Sa tuwing may umaamin, aking tinatawanan
Kasi nga baka trip na naman
Hindi ko magawang sabihin ang nararamdaman
Kasi nga baka mareject na naman
Sinubukan kong hanapin ulit ang kasiyahan
Kaso nga naulit na naman
Ngayon paano ako uusad sa kasalukuyan
Gayong hila hila ko ang anino ng NAKARAAN?
Paano ko matututunang maging masaya ng tuluyan
Kung di maalis sa isip ko na masusundan din ito ng kalungkutan
Pakiusap lang pagod na akong maging panyo ng mga luhaan
Habang nalulunod ako sa sariling kapighatian
Pagod na akong maging unan na sandalan at yakapan
Na patuloy sinasaktan kasi akala nila malambot lang at di nasasaktan
Pagod na ako sa sakit na dulot ng nakaraan
Siguro panahon na para tuluyan bumitaw
Hindi ko magaganap harapin ang panibagong araw
Kung mananatili ako sa dilim ng nakaraan
Ngunit ang anino nito ay mananatili lamang
Hindi isang hadlang kundi isang aral
Dahil mananatili yun na nasa likod ko lang
Bilang paalala na tuluyan ko na yung nalampasan
Sa anino ng nakaraan ay matatanaw ang tatag sa pagharap sa kasalukuyan
BINABASA MO ANG
𝐏𝐎𝐄𝐓𝐑𝐘 : 𝐌𝐘 𝐖𝐎𝐑𝐃𝐒 𝐖𝐈𝐓𝐇𝐈𝐍 //𝐁𝐎𝐎𝐊 𝐓𝐖𝐎 - 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄
Poetry𝐌𝐘 𝐖𝐎𝐑𝐃𝐒 𝐖𝐈𝐓𝐇𝐈𝐍 𝐁𝐎𝐎𝐊 𝐓𝐖𝐎 𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐒𝐇𝐄𝐃 𝐈𝐍 𝐏𝐀𝐏𝐄𝐑𝐈𝐍𝐊 𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐒𝐇𝐈𝐍𝐆 𝐇𝐎𝐔𝐒𝐄 _____ 𝙳𝙰𝚃𝙴 𝚂𝚃𝙰𝚁𝚃𝙴𝙳 : 𝙼𝙰𝚁𝙲𝙷 𝟶𝟷, 𝟸𝟶𝟸𝟶 𝙳𝙰𝚃𝙴 𝙴𝙽𝙳𝙴𝙳 : 𝙰𝙿𝚁𝙸𝙻 𝟶𝟾, 𝟸𝟶𝟸𝟶