"PANIBAGONG AKDA"
Linikha ni : Haystral Wynn Dustren
Para Kay : Ate Yanie Writes / Aria VillaDama ang hangin na tumatama sa aking balat
Habang pinagmamasdan ang araw na papasikat
Tumayo at naglakad papalapit sa dagat
Dinama ang lamig hanggang makaisip ng isang pamagatKinuha ang aking kwaderno't panulat
Dinama ang hapdi ng sariwang sugat
At dito uumpisahan ang muli kong pagsulat
Na magsisimula sa kay raming sugatHinawakan ang rosas na di alintanang mayroong tinik
Sa sakit na nadarama'y mas pinili kong di umimik
Ngunit sa pagdaan ng kay habang panahon ito'y bumalik
Sa kasiyahan at gamot ako'y nananabikSa aking paglalakbay ay naapakan ang maliliit na bubog
Sa kakaiwas ko rito'y sa banging ay nahulog
Muling natagpuan ang sarili kong durog
Sinubukang tumayo subalit tuhod ay nangangatogSaan nga ba pupunta gayong kahit saan ay may sakit
Pinilit kong manahimik sa isang sulok ngunit bakit nga ba may nangungulit
Ang magpahilom ay aking ginawa't pinilit
Ngunit lahat ng kirot at hapdi ay paulit ulitBinitawan ang panulat sa nadamang panghihina
Dinama ang sikat ng araw na sakin ay tumatama
Sinalo ng mga kamay ang pagdaloy ng luha sa mukha
At ang sakit na natamo ay ang bubuo sa "panibagong akda"
BINABASA MO ANG
𝐏𝐎𝐄𝐓𝐑𝐘 : 𝐌𝐘 𝐖𝐎𝐑𝐃𝐒 𝐖𝐈𝐓𝐇𝐈𝐍 //𝐁𝐎𝐎𝐊 𝐓𝐖𝐎 - 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄
Poetry𝐌𝐘 𝐖𝐎𝐑𝐃𝐒 𝐖𝐈𝐓𝐇𝐈𝐍 𝐁𝐎𝐎𝐊 𝐓𝐖𝐎 𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐒𝐇𝐄𝐃 𝐈𝐍 𝐏𝐀𝐏𝐄𝐑𝐈𝐍𝐊 𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐒𝐇𝐈𝐍𝐆 𝐇𝐎𝐔𝐒𝐄 _____ 𝙳𝙰𝚃𝙴 𝚂𝚃𝙰𝚁𝚃𝙴𝙳 : 𝙼𝙰𝚁𝙲𝙷 𝟶𝟷, 𝟸𝟶𝟸𝟶 𝙳𝙰𝚃𝙴 𝙴𝙽𝙳𝙴𝙳 : 𝙰𝙿𝚁𝙸𝙻 𝟶𝟾, 𝟸𝟶𝟸𝟶