📌 Pagkabigo sa Pagsulat

8 4 0
                                    

• Pagkabigo sa Pagsusulat •

Isinulat ni : [ YanieWrites ]
Suggested Tittle By : Darker Writes

Pagkabigo sa Pagsusulat
Sa pagsusulat binuhos Ang lahat
Lahat Ng sakit dito
Dito sa puso ko
Pait , sakit , na nakuha ko
Sa mga taong sinaktan ako
Hinanakit sinusulat sa pirasong papel
Sinusulat Ang gustong ipahiwatig Ng puso
Sinusulat Ang lahat Ng ito..
May sasabihin ako sayo
Importante ito , kaibigan ko..
Alam mo ba ..
Limang araw,
Limang araw akong blanko
Nagsimula noong uno Ng Abril
Walang masulat si ako
Hindi ko alam bakit ganito..
Kaya Ito ako
Ginagawa Ang lahat mabalik Lang Ang ganang magsulat
Scroll o nood Ng movie
Isa na Ang Korean drama
Try ko Lang ano ka ba
Pero blanko , Kaya walang na intindihan si ako
May sasabihin pa akong isa,
Nakaupo ako kahapon
Ang tamang salita
Buong maghapon
Buong maghapon nakatunganga
Wala akong ginawa
Blanko ako
Walang masulat ...
Nabigo din ako
Sa pagsusulat ko
Nalungkot , naglumo
Sa limang araw na blanko
Nabigo sa pagsusulat
Ginagawa Ang makakaya ko
Makagawa Ng tulang bago
Kahit blanko
Sulat lang
Ano ka ba.
Okey Lang
Okey Lang ako
Sadyang ako ay blanko..
Wala eh
Blanko parin ako
Ika anim na araw na
At sa dadaan na araw pa
Ano ba Ang gagawin ko
Ngayong blanko ako?

𝐏𝐎𝐄𝐓𝐑𝐘 : 𝐌𝐘 𝐖𝐎𝐑𝐃𝐒 𝐖𝐈𝐓𝐇𝐈𝐍 //𝐁𝐎𝐎𝐊 𝐓𝐖𝐎 - 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon