Hirap maiwang mag-isa
Collaboration with : Roe Nuesco
aMIRACLE22Roe:
Sinta tila isa kang palaisipan
Sa dami dami ng lumisan
Sayo lamang nawasak at nasaktanAkala ko'y kaya ko
Makitang wala ka na sa piling ko
Ngunit ng masilayan ang mga ngiti mo
At marinig ang mga tawa mong may ritmo
Naisip kong dati ako ang dahilan ngunit ngayo'y humahadlang sayoAria :
Sinta tila isang palaisipan
Na akoy iyong iniwan
At bakit akoy nagawang saktan
Iniwan na walang Dahilan..Akala ko Kaya ko
Makita Kang masaya kapiling siya
Pero ang sakit pala
Kahit pinalaya na Kita
Ang sakit pala....Iniwan mo ako
Napunta ka sa kanya
Tanong ko Lang mahal
Bakit akoy iniwan moIniwan mo ako
Mag-isa
Dito sa lugar Kung saan
Tayu ay huling nagkita
Akoy nagbabasakali na
Makita ka....Mahal ko
Simula noong lumisan ka
Ang lungkot ko na
Di magawang tumawa
Iyak ng iyak
Pag naiisip ka
Na iniwan mo akong mag-isaAng hirap mag-isa
Walang Kang kasama
Noong tawanan ang maririnig sa look ng kwarto ko
Ngayo'y hagulgul na..
Alam mo ba
Sobrang sakit talaga
Hirap tanggapin na
Wala ka na
Iniwan mo na akong mag-isaReo:
Nais kong malaman kung bakit nga ba
Ako ba ang mali at ikaw ang tama?
O sadyang mapaglaro ang tadhana?
Sige mahal sabihin mo nga
Mali bang mahalin ka?
O naging mali dahil hindi ako ang iyong sinisintaAng mga alalaa ng kahapon
Ay tila bangungot ngayon
Ang dating sigla sa tuwing maiisip ka
Ay naging sakit na walang katapusan
Dahil sa katotohanang hindi na ako ang mahal.Alam mo ba?
Na tuwing mag iisa
Ay tila baliw na
Dahil sa pagiyak at tawa
Dahil sa pagkabalisa
Sa katotohanang wala na ngaMahal hindi mo ba alam?
Na ang sakit sakit maiwan.
Na ang lungkot lungkot masaktan.
Hindi mo ba alam?
Na ang hirap hirap maiwan?Mahal pinalaya kita
Pero bakit ganoon?
Nanatili akong nakakulong sayo.
Tuloy naiwan ako rito.
Naiwang mag isa.
BINABASA MO ANG
𝐏𝐎𝐄𝐓𝐑𝐘 : 𝐌𝐘 𝐖𝐎𝐑𝐃𝐒 𝐖𝐈𝐓𝐇𝐈𝐍 //𝐁𝐎𝐎𝐊 𝐓𝐖𝐎 - 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄
Poetry𝐌𝐘 𝐖𝐎𝐑𝐃𝐒 𝐖𝐈𝐓𝐇𝐈𝐍 𝐁𝐎𝐎𝐊 𝐓𝐖𝐎 𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐒𝐇𝐄𝐃 𝐈𝐍 𝐏𝐀𝐏𝐄𝐑𝐈𝐍𝐊 𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐒𝐇𝐈𝐍𝐆 𝐇𝐎𝐔𝐒𝐄 _____ 𝙳𝙰𝚃𝙴 𝚂𝚃𝙰𝚁𝚃𝙴𝙳 : 𝙼𝙰𝚁𝙲𝙷 𝟶𝟷, 𝟸𝟶𝟸𝟶 𝙳𝙰𝚃𝙴 𝙴𝙽𝙳𝙴𝙳 : 𝙰𝙿𝚁𝙸𝙻 𝟶𝟾, 𝟸𝟶𝟸𝟶