Haligi ng Tahanan

30 3 0
                                    

-HALIGI NG TAHANAN-
Siya ay matapang,
Bawat laban ay hindi niya uurungan,
Kagat ng lamok ay di natikman,
Siya ang magiting na tatay,
Na handang ialay ang buhay,
Maranasan lang ang magandang pamumuhay.

Bawat paglipas ng panahon,
Parami ng parami ang mga hamon,
Ngunit ni isang segundo, 
Walang narinig na reklamo,
Naiiyak 'pagkat alam ang totoo.

Buhok niyang puro puti,
Kulubot niyang balat hanggang binti,
Ngiti niya na sa amin binabahagi,
Ngunit bakas sa mata ang hapdi,
Na pilit nilalabanan ang hikbi.

Nagpapasalamat pagkat tatay ay bigay,
Ang taong determinasyon ang karamay,
Nangangakong pang habang-buhay,
Pasasalamat at pagmamahal ang pugay,
Na sa kanya ay iaalay..

DARK_ER

𝐏𝐎𝐄𝐓𝐑𝐘 : 𝐌𝐘 𝐖𝐎𝐑𝐃𝐒 𝐖𝐈𝐓𝐇𝐈𝐍 //𝐁𝐎𝐎𝐊 𝐓𝐖𝐎 - 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon