📌 Collaboration#17

10 4 0
                                    

Tama Na

Collaboration with : Irene Chavez

Irene :

*tama na*
kakayanin kong wla ka
kinaya mo din namn na wla ako hind ba?
oo nag seselos ako,
nag seselos ako sa inyo ng kaibigan ko
ngunit anung laban nito?
kung sya ang gusto mo
alam kong wla akong karapatan,
dahil walang tayo
mas mabuting itago
iatago ko na lng ang lahat ng ito
hindi ko mapipigilan ang paglisan mo
ikaw lng ang minahal ko ng todo
kahit nasaktan mo ako sa paraang ikinasaya mo
napakapalad ko na nakilala ko ang isang tulad mo
at nalaman ko
na minahal mo rin pla ako..
kahit sa napaka iksing panahon,
ayy nag kasama tayo
bilang kaibigan mo
at bilang kaibigan ko
wala noon sa isip ko ang salitang sumuko
pero buhat ng akoy nagdurugo
dahil sayo
natutunan ko ang sumuko
sumuko sa mga bagay na d ko kaya
sumuko dahil masakit na
at sumuko para sating dalawa
sumuko ako dahil sa kanya
dahil gusto ka nya
dahil humarang sya
wala akong laban sa kanya
sapagkat lagi mo syang nakakasama
lagi mo syang nakikita
kaya mag paparaya na ba?
oo kase nagustuhan mo na sya
wala ako dyan para pigilan ka
wala ako dyan para harangan sya
wala ako dyan para mahalin ka
napaka layo natin sa isat isa
ang salitang TAYO
ay napalitan ng salitang KAYO......

Aria : [ YanieWrites ]

Tama na
Tama na itong sakit na aking nadarama
Sakit na aking iniinda
Tama na , Akoy pagod na!
Tama na
Kakayanin ko Kaya
Pag ikay na Wala?
Niniisip ko pa Lang
Hindi ko nga Kaya
Paano pag nawala ka pa
Oo nagseselos ako
Kasi Dota Lang importante sayo
ikapangalawa Lang ako sa puso mo
Hindi talaga ako Ang ligaya mo
Ikapangalawa Lang ako
Yan palaging tinatandaan ko
Ang katangang " Walang Tayo"
Walang Tayo
Mahal mo ako
Walang Tayo
Mahal Kita
At ayokong mawala ka
Nagseselos ako kasi
Dota atupag mo
Sino ba naman ako
Kapuyatan Lang naman
Walang label
Wag Kang mag alala
Aking sinta
Temporaryong walang label muna
Wag Kang mag alala
Kung darating sa puntong
Malaman nila
Na may jowajowa daw ako
Ipapaglaban Kita
Dahil Mahal Kita
At ayokong mawala ka
Ayokong Iwan mo ako
Ayokong ipagtulakan mo ako palayo
Dahil kahit nasasaktan na ako Mahal ko
Mananatili ako sa tabi mo
Oo walang tayo
Pero aasahan mo
Ikaw Lang ang mamahalin ko
Alam ko
Misan gusto mo Ng sumuko
At iwan ako
Alam ko nahihirapan ka na
Sa sitwasyonng Ito
Nahihirapan din ako
Hindi lang ikaw
Dalawa Tayo
Tayo
Walang Tayo
Walang label
Tumatagal
Mas Lalo kayong nahihirapan
Sa sitwasyong Ito
Pero diba Mahal ko
Lalaban Tayo
Hindi ka nagiisa
Kasama ko ako
Kasama haharapin Ang problema
Kasama haharapin Ang Hamon Ng buhay
Tayong dalawa
Hindi maghihiwalay
Pagpasenyahan muna
Akoy pasaway
Ang importante
Mahal Kita
Mahal mo Ako
Kahit walang Tayo..

𝐏𝐎𝐄𝐓𝐑𝐘 : 𝐌𝐘 𝐖𝐎𝐑𝐃𝐒 𝐖𝐈𝐓𝐇𝐈𝐍 //𝐁𝐎𝐎𝐊 𝐓𝐖𝐎 - 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon