Depresyon
// Collaboration with : Asuna Anaña //
Asuna :
Ayoko nang magpanggap pa,
Dahil ang totoo ay hindi ko na kaya
Nilamon ako ng depression
Hindi totoong kaya ko pang bumangonAria :
Ayoko ko ng magpanggap pa
Na ok ako
Kasi Ang totoo
Kabaliktaran Ito
Nilamon ako Ng deepresyon ko
Nakikipaglaban mag-isa
Pilit kinakaya
Kahit pagod na
Hindi totoong Kaya Kong bumangaon
Pagod na ako sa pakikigpaglaban
Kung pwede Lang
Sumuko ako
Matagal ko Ng ginawa
Kahit masakit o nahihirapan na
Ito parin kinakaya
Lahat Ng problema
Ang sakit
At ano pang Aking iniinda
Pilit kinakaya
Lumalaban paAsuna :
Wait lang
Bibilang muna ng lima,
Upang sarili'y mapakalma
Sabay bugtong-hininga.
Mga luha'y nagsitulo na pala,
Dahil hindi na kinaya ang sakit na dala.
Akala nila wala akong iniinda,
Akala nila wala akong problema,
Akala nila wala akong lungkot na nadadama,
Nasanay kasi silang lagi kang masaya,
Nasanay kasi silang lagi kang nakangiti,
Nasanay kasi sila na ganyan ka.
Depresyon,
Napakahirap na sitwasyon,
Hindi nila alam na sa bawat pag-ngiti,
Sa loob nito'y pighati,
Iniisip ng iba na ako'y nagloloko,
Iniisip nila na hindi ito totoo,
Pero ang hindi nila alam unti-unti na kong pinapatay nito.Aria :
Depresyon
Isa sa problema aking pinoproblema
Ginugulo ako
Nalilito na ako
Kung paano, ano
Ang pwede gawin para maiwasan
Para matakasan
Ang depresyon na ito
Ang hirap harapin pag mag-isa ka
Yung Wala Kang kasama
May gumugulo sa isip mo
Yung pagpapakamatay ka ba
O mag pag papabuhay pa
Ang gulo gulo Ng isip ko
Hindi Alam Ang gagawin
O Kaya ko ba itong harapin
Mag-isa
Lumalaban
Para sa sariling kapakanan
Pilit Kung kinakaya
Kahit akoy nahihirapan na
Kahit akoy pagod na ...Asuna :
Dinadaan ko nalang sa pagpapatawa,
Upang ang iba'y mapasaya
Ngunit sa kabila ng aking pagpapatawa,
Ay may salitang nag nanais na "Ako naman sana."
Nag tatago sa bawat ngiti sa aking labi,
Ang mga sandamakmak na hirap na aking pasan-pasan,
Sakabila ng aking mga pagtawa,
Ay may pait na nadarama.
Ginawa ko naman ang lahat,
Ngunit bakit parang hindi parin sapat?
Hindi ba nila nakikita?
O ayaw lang talaga nilang bigyan ng halaga?
Puso ko'y hirap na hirap na!
Ayoko ng magpanggap pa!
Magpanggap na ako ay masaya sa harap ng iba,
Dahil ang totoo'y, HINDI KO NA KAYA ANG BIGAT NA AKING NADARAMA!
Ako'y biktima ng sarili kong Kalungkutan,
Biktima ng kahibangan,
Biktima ng kapighatian,
Biktima ng pusong mapanlinlang
At biktima ng isip na nais ng lumisan.
Alam kong hindi ko na kaya,
Pero pilit kong kinakaya,
Kakayanin kong muling makatayo sa sarili kong mga paa,
Upang masolusyonan ang aking mga problema...#yaniewrites📜
BINABASA MO ANG
𝐏𝐎𝐄𝐓𝐑𝐘 : 𝐌𝐘 𝐖𝐎𝐑𝐃𝐒 𝐖𝐈𝐓𝐇𝐈𝐍 //𝐁𝐎𝐎𝐊 𝐓𝐖𝐎 - 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄
Poetry𝐌𝐘 𝐖𝐎𝐑𝐃𝐒 𝐖𝐈𝐓𝐇𝐈𝐍 𝐁𝐎𝐎𝐊 𝐓𝐖𝐎 𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐒𝐇𝐄𝐃 𝐈𝐍 𝐏𝐀𝐏𝐄𝐑𝐈𝐍𝐊 𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐒𝐇𝐈𝐍𝐆 𝐇𝐎𝐔𝐒𝐄 _____ 𝙳𝙰𝚃𝙴 𝚂𝚃𝙰𝚁𝚃𝙴𝙳 : 𝙼𝙰𝚁𝙲𝙷 𝟶𝟷, 𝟸𝟶𝟸𝟶 𝙳𝙰𝚃𝙴 𝙴𝙽𝙳𝙴𝙳 : 𝙰𝙿𝚁𝙸𝙻 𝟶𝟾, 𝟸𝟶𝟸𝟶