📌Bakit?

19 4 0
                                    

Bakit?

Isinulat ni : Aria Villa // YanieWrites

Sisimulan ko sa bakit,
Bakit mo ako iniwan?
Bakit mo ako pinalitan ?
Bakit mo ako pinaglaruan?

Bakit mo ako iniwan
Bigla bigla sa kawalan
Iniwan Ng walang Dahilan
May nagawa ba akong kasalanan?

Bakit
Bakit mo ako pinalitan
Ng bigla bigla
Sinabi mo na Lang
Para pakawalan Kita
Kung Alam ko sa kanya ka sasaya diba?

Bakit ba
Akoy iyung pinaglaruan
Di naman ako laruan
Pagkatapos gamitin
Akoy iyung iiwan.

May damdamin ako
Nasasaktan din ako
Nagseselos
Nagtatampo
May damdamin ako
May puso
Nadadama ko
Ang sakit na ibinigay mo

Bakit nga ba ako pinalitan
Saan nagkulang sayu
Sabihin mo
Para malaman ko
Kung saan nagkulang ako sayu..

Ang raming bakit Ng puso ko
Di mo sinagot at iniwan agad ako
Akala ko ikaw na
Bakit ba kasi minahal pa Kita
Kung Alam ko sasaktan mo Lang
Ang puso ko
At dudurugin Ng pinong pino

Bakit mo nagawa sakin lahat Ng toh
Minahal naman Kita Ng totoo
Pinadama ko sayu
Pero Hindi ka pa nakuntento
At pinalitan ako Ng bago..

𝐏𝐎𝐄𝐓𝐑𝐘 : 𝐌𝐘 𝐖𝐎𝐑𝐃𝐒 𝐖𝐈𝐓𝐇𝐈𝐍 //𝐁𝐎𝐎𝐊 𝐓𝐖𝐎 - 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon