Note: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, songs, places, events, and incidents are either products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
*****
[Prologo]
Napayakap pa ako sa sarili ko nang sumimoy ang malamig na hangin.
"Hindi ka taga-rito."
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig kong nagsalita, marahan akong napalingon.
S-Siya???
Siya yung lalaking nabangga ko kanina.
Lumapit sya sa akin habang ang dalawang kamay nya ay nasa likuran nya. Nakabarong sya na puti at may sumbrero ito sa ulo. Shet! Bakit ang gwapo ng nilalang na 'to??? Hindi talaga makatarungan kung hindi ko siya makikilala. Charot lang! Huhu.
P-Pero wait???
A-Alam nyang hindi ako taga-dito?
"Hindi ka taga-rito. Tama ba ang aking sinabi, Binibini?"- tanong nya
Hindi ako makapag-salita.
"P-Pa-Paano mo .. nalaman?"- nabubulol ako. Aaahhhh!
Ngumise naman sya. Huminga sya ng malalim at tumayo ng tuwid.
"Nais kong munang magpa-kilala mula sa'yo, ako si Elino Marquez at ikaw ang babaeng susubaybay sa pagka-tao ko mula sa panahon na ito."
Feeling ko lumabas ang kaluluwa ko mula sa katawan ko. A-Alam nya??? Alam nyang nandito kami para malaman ang pagkatao nya?
P-Pero paano???
Napahawak ako sa ulo ko.
"T-Teka, nalilito ako. P-Paano mo nalaman 'yan?"
"Humiling ka sa ilalim ng sinumpaang araw, hiniling mo na mabuhay muli ang nakaraan."
Yung Lunar Eclipse ba ang tinutukoy nya??? Hindi ko na alam kung ano yung sasabihin ko. Litong-lito na ko! Tsk!
"Dahil hiniling mo na makapunta dito sa panahon ko, nabuhay muli ang nakaraan. Nabuhay akong muli para makilala ka."
Napapalunok ako, sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Natahimik na sya sandali tapos maya-maya ngumiti sya ng marahan.
"Tila .. wala kang masabi, Binibini?"
"A-Ano eh."
"Huwag kang matakot sa akin dahil hindi naman akong masamang tao."
"Hindi naman sa ganun, m-masyado lang akong nagugulat."
Nag-half smile na naman sya. Help!
"Huwag mo sanang mamasamain ang aking itatanong, bakit ka humiling sa ilalim ng sinumpaang araw?"
Napalunok ako."Walang kwenta ang aking buhay kung kaya't bakit nagawa akong ihiling ng isang taong kasalukuyan na katulad mo? Kung ano ang buhay ko noon at ang nangyari sa akin noon ay maaaring maulit lamang sa pangalawang pagkakataon na ito."
*****
Guides for the Lunar Series:
• Unang Serye: Sa Panaginip - Completed
• Ikalawang Serye: La Promesa - Completed
° Ikatlong Serye: Huling Gabi - On going
BINABASA MO ANG
La Promesa
Historical FictionLunar Trilogy: Ikalawang Serye "La Promesa" (The Promise) Axyll Espedido and her friends are fans of the story titled 'Sa Panaginip' written by Maria Celi Legazpi which comes from the original writer Elino Marquez or better known Padre Lino. She is...