[Kabanata 21: Pag-aalangan]
Kinaumagahan saktong paglabas ko galing sa loob nakita kong pumasok na si Milagros sa silid nya, mukhang kadarating lang nya.
Napahinga nalang ako ng malalim at pumunta na kila Victoria, pero agad kong napansin ang ibang trabahador na tila hindi kumikilos o nagta-trabaho. Mga nakaupo at nagki-kwentuhan lang sila.
"Huy Ana tara na nga dito!"- tawag sa akin ni Victoria.
Lumapit naman agad ako kay Victoria na nagta-tahi ng tela.
"Bakit hindi ata sila nagtatrabaho?"- tanong ko
"Kanina kasi ibinalita ni Manong Jose na mababawasan ang mga sahod natin dito, tapos may mga ilan din syang trabahador na ipapatanggal, kaya ayun mga tinamad na."
Wait? Kami nga wala pang sahod eh. Napatigil naman si Victoria sa pagtahi at tumingin sa akin, pareho kami ng nare-realize ngayon.
"My god Axyll, mag-iisang buwan na ata tayong nagta-trabaho dito pero hindi pa pala tayo nakakasahod."- natatawang sambit nya. Medyo natawa na rin ako dahil na-realize ko din.
"Pero malay natin hindi ba? Baka buwanan ang sahod?"-
"Ganun? Kung buwanan, magkano kaya no? Diba iba pa ang klase at halaga ng pera sa panahon na 'to?"
Nagtaas- balikat nalang ako.
"Nasaan nga pala si Andie?"
"Ayun sumama na naman kina Jordan at Razel mamalengke."
Hays, naalala ko tuloy yung kagabi.
"Huwag mo ng alalahanin si Jordan, maiintindihan ka rin nya. Ikaw pa? Eh hindi ka naman matitiis ng lalaking 'yon."
"Naiintindihan ko naman sya eh, nag-aalala lang sya sa akin."
"Hello? Diba nga umamin sya sa'yo? Malay mo baka nagseselos lang talaga 'yon dahil nalaman nyang kayo na ni Lino?"
Hindi naman siguro?
Maya-maya natatanaw ko bigla yung tatlo, paparating na sila. Lumapit agad sa amin si Andie.
"Huy may chismis ako."- bungad agad sa amin ni Andie.
"Ano na naman 'yan?"- tanong ni Victoria
"Nagka-gulo kanina sa palengke dahil doon sa balitang biglang pagtaas ng buwis."- sambit ni Andie.
"Oo, kung nakita nyo lang kanina doon parang may giyerang nagaganap."- singit ni Razel
Tumingin ako kay Jordan, seryoso lang syang naglakad papasok sa loob at hindi kami pinansin.
Hays!
"Nakakatakot na dito, dahil mismong mga guardia civil ni Heneral Crisostomo ang mga kalaban ng mga tao doon sa palengke."
Napatingin ako kay Andie, wait? Bukod pa pala sa kausap ni Padre Pablo sa simbahan, kasama rin pala si Heneral Crisostomo sa pagpapatupad ng pagtaas buwis. Ibig sabihin kilala din ni Heneral Crisostomo ang lalaking kausap ni Padre Pablo sa silid aklatan? Hays, ang sakit sa ulo.
Ngayon unti-unti kong napagsasama-sama ang mga taong pwedeng kumitil sa buhay ni Lino.
Maaaring isa kila .. Padre Pablo, Donya Mira, Heneral Crisostomo at ang nadinig kong kausap ni Padre Pablo sa silid aklatan. Hays!
"Ana?"
Napatingin naman agad ako sa tumawag sa akin.
Si Milagros.
Seryoso lang sya, napatayo agad ako tapos lumapit ako sa kanya.
"B-Bakit po, Binibini?"
"Pumunta ka kay Aling Trinidad at ibigay mo ito sa kanya, hintayin mo ang kanyang ibibigay."- strict na utos nya sa akin.
BINABASA MO ANG
La Promesa
Historical FictionLunar Trilogy: Ikalawang Serye "La Promesa" (The Promise) Axyll Espedido and her friends are fans of the story titled 'Sa Panaginip' written by Maria Celi Legazpi which comes from the original writer Elino Marquez or better known Padre Lino. She is...