Kabanata 4: Unang Halik

535 21 0
                                    

[Kabanata 4: Unang Halik]







Napatingin sya ng diretso sa mga mata ko ..

Nag-tama ang mga mata namin ..



DUGDUGDUG DUGDUGDUG DUGDUGDUG DUGDUGDUG



A-Axyll .. bakit hindi kana makagalaw dyan??? Napatiklop ang dalawang kamay ko.


"A-Aahhm, mahuhuli na ako sa trabaho ko."- lumayo na agad ako sa kanya at agad na naunang naglakad.

Napapahinga ako ng malalim. Argh! Ano ba Axyll? Bakit parang arghh! Hindi, hindi pwede!

Hindi naman nag-tagal nakabalik na kami sa pabrika. Sinalubong kami agad ni Milagros.

"Kumusta? Naipadala mo na ba ang sulat para kay Aling Trinidad?"- tanong nya sa akin

"Opo Binibini, naipadala ko na."- nakangiti kong sagot

Tumango naman sya at ngumiti tapos tumingin sya kay Lino.

"Ginoong Lino, inaasahan ko mamaya ang iyong pagdalo sa kasiyahan mamayang gabi."- nakangiting sambit ni Milagros sa kanya.

Tumingin naman ako kay Lino, halatang nag-aalangan syang sumagot kung dadalo ba sya o hindi. Kahit nung tinanong din sya kanina ni Aling Trinidad.

Ngumiti naman sya ng marahan kay Milagros at tumango.

"Huwag kang mag-alala, Binibini."- sagot nya

Napangiti naman ng malapad si Milagros.

"Salamat, Ginoong Lino."- pagkasabi nun ni Milagros agad syang tumalikod at umalis, halatang kinikilig sya.

Tumingin naman ako kay Lino.

"So paano? Pasok narin ako, salamat sa pagsama sa akin kay Aling Trinidad."

Ngumiti naman sya ng bahagya.

"Walang anuman, Binibini."

Tumango nalang ako at ngumiti tapos pumasok na ako sa loob. Pagkapasok ko inumpisahan ko na ulit ang ginagawa ko.

"Binibining Ana, paano mo nakasundo si Ginoong Elino?"- tanong sa akin nung isang babae.

Wait? Ano ba ang isasagot ko?

"Dahil alam mo ba Binibini, bihira kumausap sa isang babae si Ginoong Elino. Ang tanging nakakausap lamang nya ay si Binibining Milagros na kanyang kababatang kaibigan."

Nagtaka naman ako sa sinabi nya.

"Bakit naman?"- tanong ko

"Kalat sa ating bayan na ipinag-babawal ni Donya Prima ang kanyang anak na si Ginoong Elino na mapalapit sa mga babae dahil gusto nya itong maging isang ganap na Pari."

Pagkasabi nya nun hindi na ako nakapag salita. Pero bakit naman kay Milagros okay lang na lumapit si Elino kung ayaw nya mapalapit ang anak nya sa mga babae?

Hays!

Dumating ang hapon, natapos narin ako sa pagtatahi ko ng mga basahan. Napasandal ako sa upuan, sumakit yung likod ko. Hays!

"Ana may ibabalita kami sa'yo."- lumapit naman sa akin sina Victoria at Andie.

"Ano 'yon?"

"Narinig namin kanina na may kasiyahan daw mamaya sa Plaza ng Espedido."- chismosang sambit ni Victoria

"For short, party bess!"- kinikilig naman na sambit ni Andie.

"Sa palagay nyo ba makakadalo tayo dun?"- tanong ko

La PromesaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon