Kabanata 20: Rebelasyon

285 17 1
                                    

[Kabanata 20: Rebelasyon]



Pagbalik ko sa pabrika agad kong hinatid kay Milagros ang mga telegrama na binigay ni Padre Pablo.

"Salamat Ana, pwede ka ng umalis."- nakangiting sambit ni Milagros, ngumiti nalang din ako at tumango nalang.

Pagkalabas ko lumiko ako ng daan para puntahan si Jordan, pero wala sya dun sa pwesto nya. Nasaan naman kaya 'yon? Naglalakad ulit ako at nilibot ang paningin ko sa buong paligid, hanggang sa nakita ko na sya sa likod ng pabrika. Nagsisibak sya ng mga kahoy habang walang damit, pasaway talaga!

Lumapit agad ako sa kanya.

"Jordan."

Napatingin naman sya sa akin agad.

"Bakit wala kang suot na damit?"

"Mababasa lang ng pawis yung damit kapag nag-suot pa ako."- sabay sibak nya ulit.

Ang sungit na naman nya.

"May sasabihin ako."

Tumingin sya sa akin.

"Ano 'yon?"

Lumapit pa ako sa kanya ng konti.

"May nalaman ako tungkol sa kasabwat ni Padre Pablo para sa mga masasama nyang balak."

"Ha? Ano?"

"Narinig ko kanina sa simbahan, may kausap syang lalaki. Hindi ko makilala yung boses eh."

"Wait? Ibig sabihin hindi mo nakita kung sino 'yon?"

Umiling ako.

"Narinig ko lang kanina."

Napapaisip naman si Jordan.

"Sino naman kaya 'yon?"- tanong nya

Hays! Nakaka-stress mag-isip kung sino ang lalaking 'yon.

"Kumusta pala? Nakuha mo na ba yung pinapakuha ni Milagros?"

Tumango naman ako, hindi naman na sya sumagot at ipinagpatuloy nalang ang pagsibak ng kahoy. Napapailing naman ako dahil pawis na pawis sya, hays kawawa naman ang bestfriend ko.

Nakita ko yung damit nya na nakasabit sa upuan, hindi naman ako nagdalawang isip na kunin 'yon at iabot sa kanya.

"Pawis na pawis kana."- sambit ko

Napatingin sya sa akin.

"Mamaya nalang pagkatapos ko dito."- sabi nya tapos sibak ulit.

Napa-tsk ako, lumapit ako sa kanya at agad pinunasan ang mga pawis nya.

"Mahirap na baka magka-sakit ka pa."- sabi ko habang pinupunasan sya

Tumingin ako sa kanya, nakatingin sya sa akin pero agad ding umiwas.

"S-Sige na, ako na."- sabay kuha nya sa akin ng damit nya.

Ngumiti ako at tumango.

"Jordan! Axyll!"- napalingon naman agad kami kay Victoria na tumatakbo papalapit sa amin.

"Bakit?"- tanong ko agad

"Sumama kayo sa akin bilis!"

Nagkatinginan kaming dalawa ni Jordan at hindi nagtagal sumunod kami kay Victoria. Laking gulat ko nang makita kong maraming taong papalapit dito sa pabrika.

"Mga magsasaka sila."- sambit ni Victoria

Pagkalapit nilang lahat dito, ngayon ko lang napansin na bakas sa mga istura nila kung gaano sila kagalit ngayon. Mapa-babae man o lalaki.

La PromesaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon