Kabanata 28: Ang Masamang Plano

296 16 2
                                    

[Kabanata 28: Ang Masamang Plano]



Mas lalo pa akong nagulat at napatigil nang makita ko ang taong nakahawak ng mahigpit ngayon sa braso ko.

"P-Padre .. J-Jose?"

"Padre, tila narinig niya ang ating pinag-uusapan."- napatingin ako kay Padre Pablo na lumabas mula sa silid aklatan.

Tumingin ako kay Padre Jose, hindi ako makapag-salita. H-Hindi ko inaasahan 'to, paanong nangyari ang lahat ng 'to? I-Ibig sabihin, si Padre Jose ang may balak kumitil sa buhay ni Lino?!

Pinilit kong bawiin ang kamay ko pero ayaw bitawan ni Padre Jose.

"P-Padre Jose, nasasaktan po ako."

"Hinding-hindi ka maaaring umalis dito!"

Pinipilit ko talagang tanggalin ang kamay ko sa pagkakahawak nya pero ayaw talaga nyang bitawan.

"T-Tulong! TULONG!!"

Lumapit sa akin si Padre Pablo at agad na may pinaamoy sa sa akin, unti-unti akong nahilo. Unti-unting umikot at dumilim ang paningin ko.

_____________________________

Marahan akong napadilat, nabigla ako nang maramdaman kong nakatali ang kamay ko sa likod ko. Mas lalo akong nabigla na nandito ako sa kwadra.

"T-Tulong ... TULONG! TULUNGAN NYO KO!"- sigaw ko, pinipilit kong tanggalin ang tali sa kamay ko pero masyadong mahigpit ito. Naiiyak na ako, k-kailangan kong makita at makausap si Lino. N-Nasa panganib ang buhay niya.

"T-Tulong!!! T-Tulungan nyo ko!!!"

Napatigil ako bigla nang pumasok si Padre Jose dito sa loob ng kwadra.

"Kumusta, Binibini?"

Halos kumabog ng malakas ang dibdib ko. H-Hindi ako makapaniwala, siya ang tao na 'yon. Siya yung taong nasa likod ng ibang boses na narinig ko.

N-Nagagawa niyang baguhin ang boses niya para makapag-linlang ng mga tao, dahil ang totoong boses nya ay ito.

"Padre Jose, b-bakit nyo po ginagawa 'to?"

Lumapit siya sa akin habang nakangise.

"Masyado kang pakielamera,Binibining Ana. Sa mga kagaya mo ay kailangang patahimikin."

Halos mapalunok ako, nanginginig ang buong katawan ko sa takot.

"Tio po kayo ni Lino, k-kaya bakit po gusto nyo siyang patayin?!"

"Si Lino ang tagapag-mana ng posisyon ng aking yumaong kapatid, pag-dating ng tamang panahon siya ang magiging Gobernador ng bayang ito."

Tumingin siya sa akin ng seryoso at umupo sa harapan ko.

"Kaya gagawin ko ang lahat para mawala siya sa landas ko, gagawin ko ang lahat para makuha ang posisyon na matagal ko ng ninanais."- sambit nya at tsaka ngumiti ng nakakademonyo.

Tumutulo na ang mga luha ko sa sobrang takot at sakit.

"H-Huwag, huwag nyo pong gawin 'yan. Huwag nyo po siyang patayin, p-parang awa nyo na!"

Tumingin siya ng seryoso sa akin.

"May mas maganda akong naisip."- sambit niya at tumayo.

Nakatingin lang ako sa kanya.

"Paano kung .."- tumingin sya sa akin. "Ikaw ang pumaslang sa buhay ni Lino?"

Napatigil ako sa sinabi nya.

"Hmm sa aking palagay ay mas maganda nga kung ikaw ang pumaslang sa buhay na iyong minamahal."

Bumuhos ang mga luha ko, napapailing ako sa sinasabi niya.

La PromesaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon