[Kabanata 8: Ang Nakaraan]
Maya-maya at umuwi na rin kami, nagla-lakad kami ngayon pauwi sa Hacienda nila Milagros.
Nasa likod lang ako habang nakatingin kay Lino at Milagros na tahimik lang na naglalakad sa unahan ko.
Napahinga ako ng malalim at napa-tingin sa gilid, nagulat ako bigla dahil nakita ko si Jordan na nakatayo sa likod ng poste at sinusubukan pang magtago.
Napapailing ako, heto talagang lalaking 'to napakasaway.
"Ana ano ang tinitignan mo diyan?"- tanong ni Milagros
Nagulat naman ako at agad napatingin sa kanila.
"A-Ahm wala po."- sagot ko nalang
Hindi naman na nagsalita si Milagros, then nagpatuloy na kami sa paglakad. Lumingon ako sandali sa likod, nakita kong nakatalikod si Jordan habang napapakamot sa ulo nya. Hindi ko alam pero natawa ako bigla. Haha!
Pagkarating namin sa Hacienda ..
"Salamat, Ginoong Lino."- nakangiting sambit ni Milagros
"Wala anuman, Binibini."
Umiwas ako ng tingin, hays! Masyado silang cheezy tignan.
"Mag-ingat ka sa iyong pag-uwi mahal kong, Ginoo."
Bigla akong napa-tigil at agad napa-tingin kay Milagros sa sinabi nya. Tumingin din ako kay Lino, nakangiti lang sya ng bahagya kay Milagros.
Wait?? Ano na bang nangyayari??
Hindi kaya ...
SILA NA????????
"Salamat Binibini."- sagot ni Lino
Tumingin sya sa akin bigla, nagulat ako kaya hindi na ako napaiwas ng tingin.
"Mag-papaalam narin ako sa'yo, Binibining Ana."- nakangiti nyang sabi sa akin.
Napalunok ako.
"M-Mag iingat ka po sa iyong pag-uwi, Ginoong Lino."
Napansin kong natawa sya ng koni, anong nakakatawa dun? Ngumiti nalang din sya ulit at tumango na sa amin. Tapos tumalikod na sya at sumakay sa calesa.
Napahinga ako ng malalim at tumingin kay Milagros. Nakangiti ang gaga habang papalayo ang calesa na sinasakyan ni Lino.
"Napakasaya ko, Ana. Dahil sa wakas, nasabi ko narin ang lihim na pag-ibig ko para sa kanya."
Napa-tigil ako sa sinabi nya. Alam nyo yung parang nakaramdam ka ng kirot sa dibdib mo?
"Sobrang saya ng nararamdaman ko ngayon dahil sa wakas hindi ko narin kailangan pang maglihim at magtago pa ng pagmamahal ko para sa kanya."- bakas sa mukha ni Milagros ang saya habang sinasabi ang mga 'yon.
Sila na nga. Hays!
Maya-maya nauna ng pumasok sa loob ng Hacienda si Milagros, ako naman nagpaalam sa kanya na pupunta muna ako sa mga kaibigan ko kahit sandali lang.
Pagdating ko sa tapat ng pabrika, nakita ko agad si Jordan na nakaupo sa mahabang kahoy.
Ngumiti ako at lumapit sa kanya.
"Huy!"- tawag ko
Nagulat naman sya.
"Axyll!"- napatayo sya nang makita ako.
"Bakit hindi ka pa natutulog ha? Gabi na."- i said
Sumimangot naman sya.
"Anong gabi na? Kakadilim lang kanina eh."
BINABASA MO ANG
La Promesa
Historical FictionLunar Trilogy: Ikalawang Serye "La Promesa" (The Promise) Axyll Espedido and her friends are fans of the story titled 'Sa Panaginip' written by Maria Celi Legazpi which comes from the original writer Elino Marquez or better known Padre Lino. She is...