[Kabanata 29: Ang Pagha-handa]
Gaya ng sabi ko kay Lino, umalis kaming apat mula sa hacienda nila. Ayoko narin mag-stay doon dahil hindi ko matanggap sa sarili ko na nasasaktan ko ngayon si Lino.
"Saan tayo pupunta nyan? Ano ba kasing problema nyo ni Lino?"- tanong ni Razel
"Break na sila."- sambit ni Vitoria
"What?!"- gulat naman si Andie
Hindi ko naman na sila pinansin, habang naglalakad kami kung saan-saan kami napadpad. Naalala ko tuloy ang sinabi ni Padre Pablo ..
Mamayang gabi ..
Mamayang gabi ko na gagawin ang pagpaslang kay Lino ..
H-Hindi ko alam kung paano ito maiiwasan?
A-Ayokong mamatay si Lino.
Napatigil naman ako bigla nang makita ko ang bahay ni Aling Trinidad, naalala ko tuloy ang panaginip ko. H-Hindi ko nga alam kung totoong panaginip ba 'yon o hindi.
"Huy Axyll saan ka pupunta?"- tanong sa akin ni Victoria
"Tara."- inaya ko sila
Pumunta kami sa bahay ni Aling Trinidad.
"Kaninong bahay 'to?"- Andie ask
"Bahay ni Aling Trinidad."
"Ah yung madalas mong puntahan kapag inuutusan ka ni Milagros?"
"Oo dito 'yon."
Kakatatok na sana ako nang bigla nang bumukas ang pinto. Bakas rin na nagulat si Aling Trinidad nang makita ako.
"I-Ikaw .."- gulat na sambit nya sa akin
Hindi naman nagtagal at pinatuloy nya kami sa loob ng bahay nya. Pakiramdam ko may alam din siya sa mga mangyayari.
"Ano ang inyong ginagawa sa lugar na ito mga Ginoo't Binibini?"Napalunok naman ako.
"Sa totoo po nyan, naghahanap po kami ng matutuluyan Aling Trinidad."
"Hindi iyon ang ibig kong sabihin, ano ang inyong ginagawa sa panahon na ito Binibini?"
Nagulat ako sa tanong nya, nagkatinginan kaming apat.
"A-Aling Trinidad, alam nyo na hindi kami taga-rito?"- tanong ni Victoria.
Tumingin sa akin ng seryoso si Aling Trinidad.
"Maaari nyo ba kaming iwan ng panandalian ni Binibining Ana?"- pakiusap ni Aling Trinidad sa tatlo.
Agad naman na tumayo yung tatlo at lumabas na muna. Napapahinga naman ako ng malalim.
"May kutob akong may balak kang gawin Binibini. Huwag na huwag mo itong itutuloy dahil may matinding isang kapalit ito."
"A-Ano ho ang ibig nyong sabihin?"
"Kailangan mamatay ni Ginoong Lino, nakasulat na ito kung kaya't hayaan mo na lamang ang tadhana. Huwag mo na itong pigilan pa."
Agad na tumulo ang mga luha ko.
"H-Hindi ko po alam, m-mahal na mahal ko po si Lino. Ayoko siyang iwan na wala nang buhay sa panahon na 'to."
"Ano ang binabalak mong gawin Binibini?"
"Hindi ko pa po alam Aling Trinidad, sa ngayon ay k-kailangan kong mailigtas ang kaibigan ko."
Hinawakan ni Aling Trinidad ang dalawang kamay ko.
BINABASA MO ANG
La Promesa
Ficción históricaLunar Trilogy: Ikalawang Serye "La Promesa" (The Promise) Axyll Espedido and her friends are fans of the story titled 'Sa Panaginip' written by Maria Celi Legazpi which comes from the original writer Elino Marquez or better known Padre Lino. She is...