[Kabanata 11: Kasunduan]
Maya-maya naisipan na namin umalis ni Ginoong Lino, habang naglalakad kaming dalawa tahimik lang. Tinitignan ko sya ng pasimple, napapangiti ako ng patago dahil naalala ko yung sinabi nya sa akin kanina.
Sinabi nyang masaya din sya nang makilala nya ako. Hays!
Napatingin naman ako bigla sa isang direksyon, may mga nagtitinda ng mga streetfoods. My god! Namiss ko 'yon!
Kaso shet, wala akong pera? Paano ako makakabili?
"Nais mo bang kumain ng isaw?"
Napatingin ako kay Lino, nakatingin sya sa akin. Luh? Alam nya? Napapaisip ako, wala namang masama kung magpalibre ako hindi ba? Hahaha!
Tumango ako at ngumiti
"Oo, gustong-gusto ko."
Ngumiti naman sya at tumango.
"Halika."- hinila na nya ako palapit doon.
Pagdating namin, halos mapanganga ako. Ang daming isaw tapos medyo malalaki sya hindi tulad sa kasalukuyan malilit. Haha!
"Ilan ba ang nais mong kainin, Binibini?"
"Limang piraso."
Nagulat naman sya.
"L-Limang piraso?"
"Oo. Sa totoo nyan bitin pa ako nun."- sambit ko sabay tawa.
Napakamot sya sa ulo nya, halatang hindi makapaniwala. hahahaha natawa nalang ako. Bumili sya ng anim na piraso, hindi ko alam kung magkano yung binayad nya.
Binigay nya agad sa akin yung isaw ko.
Sinawsaw ko agad sa suka at agad kong kinain. Huhu i miss this!
"You know what, sobrang namiss ko na 'tong kainin."- sambit ko habang ngumunguya.
Medyo napatigil naman ako dahil halatang hindi nya nagets yung sinabi ko.
"Ahm paumanhin. Hehe!"- sambit ko
"Ayos lang, batid kong hinahanap-hanap mo na rin ang iyong panahon."
Natawa naman ako ng konti.
"Hindi naman."
"Bakit naman hindi?"
"Kasi kasama kita."
Nagulat sya sa sinabi ko. Nanlaki naman ang mata ko bigla. Nagulat din ako. Axyll naman eh!
"A-Ahmm .."- hindi ko alam kung anong sasabihin ko, umiwas nalang ako ng tingin.
"Ginoong Lino, kalat ang balita dito sa ating bario na magpapakasal na raw kayo ng anak ni Heneral na si Binibining Milagros?"- biglang singit nung tindero
Napahinto ako sa pagkain, nagkatinginan kami ni Lino. Pero binigyan ko sya ng isang ngiti. Ningitian lang ni Lino ng simple si Manong. Ibig sabihin alam nya na pala?
Tumalikod at kumain nalang ako ng isaw. Hays! Axyll huwag kana mahulog kay Lino, dahil masasaktan ka lang!
"B-Binibini nais mo pa ba ng isaw?"
Lumingon ako at umiling sa kanya.
"Hindi na, busog na ko eh."- sabi ko nalang
Tumango nalang sya at ngumiti.
Pagkatapos nun naglakad na ulit kami ni Lino, nauuna akong maglakad sa kanya. Pakiramdam ko pa nawalan ako ng gana, hays. Naiinis ako! Tsk!
"Ana?"
BINABASA MO ANG
La Promesa
Historical FictionLunar Trilogy: Ikalawang Serye "La Promesa" (The Promise) Axyll Espedido and her friends are fans of the story titled 'Sa Panaginip' written by Maria Celi Legazpi which comes from the original writer Elino Marquez or better known Padre Lino. She is...