Kabanata 12: Parusa

439 24 3
                                    

[Kabanata 12: Parusa]



Nauna na akong umalis sa plaza at agad pumunta sa Hacienda.

Napahinto ako sa malaki nilang pintuan nang makita ko agad si Milagros na umiiyak habang sinisermonan ni Heneral Crisostomo.

Napapaisip ako, nasaan si Lino? Alam naman nyang ngayon gaganapin ang pagpapakilala sa kanila sa buong nasasakupan. Pero bakit hindi sya pumunta?

Naisipan kong umalis, kailangan kong mahanap si Lino.

Habang naglalakad ako nang makasalubong ko naman bigla si Jordan.

"Oh saan ka pupunta?"

"Kailangan kong makausap si Lino, kaya kailangan ko siyang mahanap."

"Ha? Teka sasamahan na kita."

Tumango nalang ako.

Nagmamadali kaming naglalakad ni Jordan, tumitingin-tingin din ako sa paligid, nagbabakasali akong makita ko sya.

"Wait, Axyll."- pinigilan ako ni Jordan

"Paano natin sya mahahanap? Alam mo ba yung bahay nya?"- tanong nya

Napatigil naman ako, tsk oo nga pala!

"Hindi ko alam, pero baka sa simbahan? baka nandun sya?"

"Ano ka ba? Sa tingin mo doon sya mag-iistay pagkatapos nyang hindi sumipot sa engagement nila ni Milagros?"- may point si Jordan.

Natahimik ako.

Hays!

Napatingin naman kami ni Jordan sa mga paparating.

Ang mga sundalo ni Heneral, nakasakay sila sa mga kabayo nila at halatang mga nag-mamadali ito. Tumabi kami ni Jordan sa gilid, hanggang sa nakadaan na sa harap namin ang mga ilang mga sundalo ni Heneral.

Nagka-tinginan kami ni Jordan.

"Naiisip mo ba ang naiisip ko?"- tanong nya

Tumango ako sa kanya.

"Tara!"- hinila nya ako at agad kaming tumakbo, pumunta kami sa kabayo ni Mang Jose.

Pagdating namin halos magmadali si Jordan kunin ang kabayo, hindi narin nya nagawang magpaalam. Pagkakuha nya sumakay sya agad at inalalayan naman ako.

Agad na pinatakbo ni Jordan ang kabayo.

"Kumapit ka ng mabuti, bibilisan ko para masundan natin sila."

Napangiti ako at agad yumakap sa baewang nya. Pinatakbo nya na ng mabilis ang kabayo.

Masaya ako, masaya ngayon dahil nandito si Jordan. Kahit pa na alam nyang hindi ko masusuklian ang pagmamahal nya, tinutulungan nya parin ako. Tinutulungan nya akong mahanap si Lino.

Maya-maya hindi nagtagal huminto kami ni Jordan nang makita naming huminto ang mga sundalo sa harap ng isang simpleng Hacienda. Unang bumaba si Jordan at inalalayan naman nya ako.

Naglakad at nagtago kami sa malaking puno habang nakasilip sa Hacienda nila Lino. Ano na kaya ang nangyari?

"Anong gagawin natin, Axyll?"- bulong ni Jordan

"Hindi ko alam."

Maya-maya nakita namin na lumabas na yung ibang sundalo at hawak-hawak nila si Lino na para bang isang kriminal.

"Si Lino hawak na ng mga sundalo."

Tsk, anong gagawin namin? A-Anong pwede naming gawin para hindi mapahamak si Lino?

La PromesaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon