Kabanata 6: Masasamang Plano

531 24 4
                                    

[Kabanata 6: Masasamang Plano]


*****

Kinabukasan

"Ana, maganda ba?"- sabay pakita ni Andie sa ginawa nyang damit, natawa naman ako dahil gumawa sya ng sarili nyang style.

"Ano 'yan? Bakit ka gumawa ng ganyan?"

"Para sa akin, huwag kang maingay. haha!"

"Hahaha! Oo maganda naman."- i said

Habang nagtatahi ako ng mga basahan nang may biglang dumating na magandang calesa.

Pansin ko na napatayo ang iba kaya naman napatayo rin ako at pumiwesto kami sa gilid, lumapit rin sa akin si Andie at Victoria.

Nanlaki naman ang mga mata ko nang may lumabas na isang lalaki, ang ganda ng pananamit nya. Sobrang gwapo pa! Para syang isang Prinsipe na ewan.

Lumabas naman si Milagros at agad na lumapit roon sa lalaki.

"Ginoong Bergillo, Buenos dias."- bati agad ni Milagros

Wait? Bergillo? Parang pamilyar sa akin ang panagalan na 'yon? Saan ko nga ba naring 'yon?

"Buenos dias, Binibining Milagros. Naparito ako dahil kailangan kong makausap ang iyong ama."- sabi nung lalaki

"Nasa Hacienda ngayon si ama, nais mo bang samahan na kita sa kanya?"- tanong ni Milagros sa lalaki

Tumango at ngumiti lang yung lalaki, tapos sumakay ulit sila sa kalesa.

Pagka-alis nila nag-ingay na ang lahat.

"Ginoong Bergillo? Parang pamilyar sa akin ang name nya."- sambit ni Victoria at napapaisip pa.

Napapaisip rin ako, pamilyar talaga eh. Saan nga ba 'yon???!

"Aha! Si Don Bergillo yung lalaki kanina!"

Unti-unting nanlalaki ang mga mata ko sa sinabi ni Victoria.

"Si Don Bergillo? Yung ama ni Celi na nasa book?"

"Oo. My god, Axyll anong nakakamangha ang mga nangyayari. Kung kwento lamang 'yon na ginawa ni Ginoong Lino bakit buhay na buhay ang pagkabinata ni Don Bergillo sa panahon na 'to?"- tanong ni Victoria

"Ang gwapo rin ni Don Bergillo kagaya ni Ginoong Lino, hindi rin pala halos malayo ang edad nila."- sambit ni Andie

Gulong-gulo na rin ako. Tsk! Hindi bale, mamaya tatanungin ko si Lino.

Maya-maya bumalik na kami sa trabaho.

Nakita kong dumaan naman si Jordan sa harap ko, pagtingin ko lumapit sya kay Victoria at may kinuha doon sandali. Pagbalik nya sa harap ko tatawagin ko sana sya pero hindi ko na itinuloy, halata naman kasi na iniiwasan nya ako.

Tss, ano bang problema nya? Nakakainis!

Niligpit ko muna yung mga ginagawa ko tapos pumunta ako sa kabilang silid, nakita kong nagpapahinga si Jordan at kumakain ng tinapay.

Hindi na ako nagdalawang isip na lumapit sa kanya.

"Hoy Jordan!"- tawag ko sa kanya

"Oh?"- tanong nya ng hindi nakatingin sa akin

"Galit kaba sa akin ha?"

"Hindi."- irita nyang sagot

"Kung hindi ka galit bakit ka ganyan?"

Medyo napatigil sya sa pag-nguya ng pagkain nya at tumingin sa akin.

"Hindi talaga ako galit, wala lang ako sa mood."

La PromesaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon