Kabanata 3: Unang araw

589 23 1
                                    

[Kabanata 3: Unang Araw]


*****


Ilang oras bago mawala ang sunog sa pabrika, wala kaming magawa kundi manatiling nakatayo lang dito sa labas at nakatingin lang doon. Hindi ko lubos maisip na masyadong mabilis ang mga pangyayari.

Tumingin ulit ako ng pasimple kay Lino, nananatiling nakatingin lang din sya sa pabrika. Ewan ko ba, pakiramdam ko ayaw rin nya na mangyari 'to. Pero hindi eh, kung ayaw nya bakit hindi nya manlang nagawang mapigilan?

"Sino 'yon?"- masungit na tanong sa akin ni Jordan

"Siya si Padre Lino, binata version dude."- sagot ni Victoria

"Talaga?"- parang ayaw maniwala ni Jordan

"Nakausap ko na sya kanina at alam nyang hindi ako taga-rito."

"ANO?!!"- sigaw nilang dalawa

Tumingin ako sa kanilang dalawa.

"Oo, alam nya."- sabi ko, tapos tumingin ulit ako kay Lino, nagulat naman ako nang nasa harapan ko na sya.

"Nais ko lamang na mag-paalam sa'yo, Binibini."- sabi nya sa akin

Napalunok naman ako.

"M-Maraming salamat sa paghatid Ginoong Lino."- sabi ko at yumuko tapos tumingin ako sa kanya

"Sa muli nating pag-kikita."- sabi nya kasabay iyon ng pag-ngiti nya ng simple.

Ang gwapo! Tsk.

Napatango nalang ako at napangiti.

Tapos umalis na sya.

"Ayiiieeeee anong pagkikitang muli??"

"Tss tumigil ka nga."- saway ko kay Victoria

"Pinopormahan ka ba ng Lino na 'yon ha? Anong pagkikitang muli?!"- OA ni Jordan.

"Tss, isa ka pa!"- sambit ko

Huminga nalang ako ng malalim.

Pagkatapos nun, nalaman nga namin na patay na si Donya Puring. Unang araw namin dito sa panahon na 'to may nangyari na agad.

Siguro kung naging malapit agad sa amin si Donya Puring, hindi namin matatanggap ang mga nangyayari ngayon.

Nandito lang kaming lahat sa harap ng nasunog na pabrika, nag-iiyakan ang ibang mga trabahador lalo na ang mga kababaihan. Nakita ko si Mari na nakaupo lang at nakayuko.

"Si Mari, lapitan natin sya."- sabi ko kay Victoria

"Sige tara."

Pagka-lapit namin napatingin sya agad sa amin.

"Mari ayos ka lang ba?"- tanong ko

Umiling sya.

"H-Hindi ko lubos maisip na nawala sa isang iglap si Donya Puring."- naiiyak nyang sambit

Nagka-tinginan naman kaming tatlo.

"Itinuturing ko na syang ina ko, Ana. H-Hindi ko lubos na matanggap na wala na siya."

Hindi naman ako nagdalawang isip na yakapin sya ng marahan.

"Huwag kang mag-alala, Mari. Nandito lang kami."- sambit ko

Sinisenyasan naman ako ni Jordan na huwag ko daw sabihin 'yon. Tss baliw talaga! Pagkatapos nun may mga dumating na guardia civil at kasama si Heneral Espedido.

La PromesaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon