Stupid Things

68 4 0
                                    

"Why did Jesus died on the cross?" Our philosophy teacher asked.

Almost everybody raised their hands except me. I intend not to answer dahil alam ko na sa simpleng tanong na ito may kasunod na mas mahirap na tanong.

"Yes Ms. Ochoa?" Napansin pa rin ako ni prof!
"Why do you think Jesus needed to die in the cross?"

"To redeem our sins?" I hesitated.

"Exactly! But my question is: Why Jesus? Why not someone else?"

Sabi ko na eh! May mas mahirap pa na tanong.

"I have no idea sir!"

I felt so defeated sa sagot ko. Nagmukha na naman akong tanga at walang alam.

"You see, we offended God. If God is a loving God why He needed to let his only Son die on the cross to redeem OUR sin? Why not forgive us right away? Or perhaps kill people to redeem our sins? Why Jesus?" Paliwanag ng professor na mas lalong nagpahirap sa tanong.

Napa-isip rin ako sa tanong niya. Peru tumunog na ang bell.

Saved by the bell.

* * *
Nasa isip ko pa rin yung hanging question sa philosophy kanina kaya I decided to search the internet for any idea. Peru I just found myself scrolling through my newsfeed sa Facebook.

I was tempted to upload a photo kasama si Andrea sa café the other night.

We laugh at the stupid things we did!
Reads my caption.

In a few minutes, flooded na ang notification ko ng mga reactions sa post ko. I feel the gush of dopamine flowing through my veins everytime nakakakita ako ng notification sa Facebook status ko.

May mga comments sa status ko peru hindi ko na nabasa lahat dahil nakatulog na ako. As usual nakatulog akong naka on ang data ko. Sayang sa load.

Umaga na ng ma check ko ulit ang Facebook status ko. And lo and behold nag comment pala ang hambug na si Mike sa post ko.

M I K E: Stupid things? 🤣

Nang-iinis ba siya? Is he serious right now?
Block ko na kaya 'to? Baka sabihin namang bitter ako.

Ayoko na rin mag-isip. I turned off my phone and fix my bed. I realized hindi nga pala tumunog ang alarm ko. Saturday nga pala. Tumigil ako sa pag-ayos ng kama at napahiga ako ulit.

Stupid things.

Muli na namang sumagi sa isip ko ang comment ni Mike habang nakatitig sa kisame ng kwarto ko. Hindi ko alam kung saan ako naiinis sa 'stupid' ba o sa emoji niyang tumatawa. Hindi. Naiinis ako sa hambug na pagkatao niya!

* * *

"Jen, anak gising na!"

Tiningnan ko muna ang orasan bago ko sagutin si Mama. It's already 10am napahaba yata ang iglip ko.

"Oo ma, gising na 'ko!"
"Susunod na 'ko"

Ang sarap pang matulog peru tirik na ang araw. There are few things I planned to accomplish today. I turned on my phone and tried to check again my Facebook status bago bumaba.

Shocks! Umani ng limang HAHA reaction ang comment ni Mike sa akin at isa dun si Mikay ang current girlfriend niya.

Tiningnan ko rin ang PM sa'kin ni Andrea:

Andrea: Alam ba ni Mikay?
Andrea: Bakit out of coverage ka? Nakita mo na ba ang mga comment sa status mo?

Bago ko pa man ma replyan si Andrea nag ring na ang phone ko. Tumatawag si Andrea.

"Hello! Jen? Nasan ka?" Mukhang tensed na naman ang boses ni Andrea.

"Kakagising ko lang drey." Napahikab pa ako sa antok.

"Nakita mo na ba yung comments and reactions sa post mo kagabi?"

"Yeah! I am reading them now."

"Alam ba ni Mikay 'to?"

"I don't know. Hindi ko alam!"
"I felt being played sa mga nangyayari. Feeling ko rin alam ni Mikay yung sa amin and then she just played along?"

Naputol na yung linya. Empty battery na pala ako dahil whole night naka on yung data ko.

It took 5 minutes para ma-on yung phone ko from charging. Nagtext na sa akin si Andrea siguro dahil hindi na niya ako ma contact.

Andrea: Puntahan na lang kita after lunch sa bahay niyo. Relax ka na lang muna dyan. Okey?

Ok. Huling reply ko sa kanya at bumaba na ako at iniwan ang phone na naka charge.

* * *

Kumakain pa kmi ng dumating si Andrea sa bahay. Masyado siyang maaga.

"Oh Andrea napasugod ka? Kain ka muna. Halika sumabay ka sa amin." Anyaya ni mama kay Andrea.

"Tapos na po ako tita, may pag-uusapan lang kmi ni Jen."

Tiningnan lang ako ni mama peru parang nagtatanong ang kanyang mga mata. Simula kasi ng mag college kami hindi na nakakapunta si Andrea sa bahay dahil medyu malayu na ang bahay nila sa amin. Kaya siguro nagtaka si mama sa pagpunta ni Andrea. Hindi na rin ako makahanap ng alibi kaya hindi na lang ako nagsalita.

"Kumusta na ang mama mo Andrea?" Usisa ni mama kay Andrea.

Isa rin kasi sa dahilan ng paglipat nila ng tirahan ay dahil naghiwalay ang mga magulang ni Andrea.

"Okey lang po naman tita. Kahit papaano ay nakakaraos kami sa tulong ni kuya. Si kuya nga rin po ang nagpapa-aral sa 'kin ngayon." Sagot ni Andrea.

Tumuloy na agad kami ni Andrea sa kwarto ko pagkatapos kung kumain.

"May hindi pa ako sinasabi sayo." Bungad ko agad kay Andrea pagbukas pa lang ng pinto ng aking kwarto.

There was a strange silence in the room as Andrea awaits for me to tell the whole story.

I recounted to her what had happened between me and Mike sa bahay nila. I can sense her disappointment.

"Alam mo Jen, okey lang naman yun. I definitely understand kung in love ka talaga sa kanya eh." Andrea broke the silence.

One thing I love about Andrea is that she never judge me, ever. I felt relieved knowing that she understands me.

"Anong gagawin ko drey??" Maluha-luha na ako sa inis at takot. Inis dahil nahulog ako sa maling tao at takot sa mga bagay na dadating na hindi ko alam.

"All you have to do is forget about Mike, pretend that nothing happened between the two of you and then move on."

"We have so many things to attend to. Do not live within that stupid things you are regretting now. Okey?"

Andrea smiled at me while saying these things. She is really my comfort zone. I am so glad she came over. Ever since my dad died, she never failed to comfort me kahit malayu kami sa isa't-isa.

Holiday FlingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon