Paglabas na paglabas ko sa classroom namin dahil sinusundo na ako ni Winwin for lunch, nakasimangot agad ako. Binlock ko na si Hendery! After he blocked me, bigla bigla siyang magpaparamdam? Hindi niya ba alam na masakit sa part ko yung ginawa niya?
"Simangot nanaman. Napano?" Sicheng said, and then chuckled as he inserted his hands in his pockets habang naglalakad na kami.
Pansin ko rin na pinagtitinginan pa rin kami ni Winwin, as usual. Kapag kasi kasama ko ang magkakaibigan, lagi nalang kaming tinitignan, isama pa na kapatid ko nga si Wonwoo oppa.
"Hendery. Nakita mo naman yung comment niya, diba? Tapos nagchat siya, inunblock niya ako. Kung hindi naman siya umalis hindi naman mangyayari to," sabi ko, pouting habang medyo nagssting ang mga mata dahil masakit pa rin yung pag-alis niya.
Nakarating pa lang kami sa may gilid ng building ng second years nang hawakan ni Winwin yung kamay ko.
"Shh. Mahal ka pa ni Hendery, Loucielle. Nararamdaman ko 'yun. Ramdam ko rin naman na mahal mo pa rin si Hendery, eh," sabi ni Winwin, making my lower lip tremble before my tears streamed down my face.
I immediately hugged him, and then he sighed before hugging me back and caressing my hair. I gripped on his uniform at narinig ko naman na may binubulong siya pero hindi ko nga lang maintindihan.
"If he still loves me, he should have told me, Sicheng. It hurts if it's like this. Sana ikaw nalang yung minahal ko," I cried, and then I hear him breathe out.
"Sana nga." I heard him, and then I felt something on my shoulder.
Natigil ko ang pag-iyak, at saka humiwalay sa yakap.
"O-Oy, bakit ka umiiyak?" Tanong ko sa kanya, and then he chuckled before wiping his tears.
"Wala. Kumain na nga tayo. Kanina pa sila Dejun dun," sabi ni Sicheng, and then he held my hand but I let him.
We were comfortable enough to hold hands. After all, we became best friends.
Minsan pumapasok na rin sa isipan ko na sana nga si Winwin nalang ang minahal ko. Kaso hindi. Kasi sa ayaw at sa gusto ko, alam ko sa sarili ko na kay Hendery talaga ako tinamaan.
"Loucielle?"
Fuck...?
BINABASA MO ANG
mine ♡ hendery wong
Fanfiction[ nshitty series ] "you're mine. remember that, okay?" in which the "jowang-jowa" guy meets the "jowang-jowa" girl. cover by @venleyy