mine ♡ ten

107 7 3
                                    

Hihiga na sana ako at matutulog, dahil as in nakahanda na akong matulog, kaya lang ay biglang tumunog yung ringtone ko. Nakakainis lang? Anong oras na kaya! Naloadan ko na rin naman si Winwin, eh! Wala naman akong ibang loloadan kundi siya. Say no to Hendery!

Pagkasagot ko sa call ay I leaned on the headboard, and then sighed.

"Who are you?" Tanong ko, at nakarinig naman ako ng humihinga sa kabilang linya.

"Hey," he breathed out. "Bakit mo pinapakilig si Winwin? Nakangiti oh? Ansaya saya niya sa load niya?"

Natawa naman ako bigla, kaya lang ay pinigilan ko dahil tunog seryoso siya.

Teka nga, paki niya? Hindi naman kami. Hays. Sana lang yon- JOKE. Say no to marupok na Loucielle.

"Kaibigan ko na siya kaya niloadan ko siya. Masama ba yun?" Sabi ko, and then he groaned.

"Nakakainis naman, eh. Feeling ko magiging crush ka ni Winwin kung hindi tayo!" Sabi niya, and I rolled my eyes.

"Hindi naman tayo," I muttered, and I heard him click his tongue.

"O-Oo nga. Pero iba! Iba yung atin! Sana naman kahit ganun consider me," sabi niya, at tumaas ang mga kilay ko.

"Oh. So bawal kong kausapin si Winwin? Ganun ba yun?" Tanong ko, and then he silenced.

"H-Hindi naman sa ganun. Ayaw ko lang na mapunta ka sa kanya or magkagusto siya sayo. I've been... left alone for too long. Um, sige. Sorry, okay? Sunduin nalang kita bukas. Good night, Cielle. Sleep tight," pagkasabi niya nun ay pinatay na niya ang tawag, kaya naman ay I sighed.

I placed my phone on the bedside table, at saka humiga na.

Hindi ko maiwasan ang mag isip. Hindi naman talaga kami. Okay lang naman na maging magkaibigan kami ni Winwin, kaibigan niya rin naman si Winwin. Pero bakit parang ayaw niya?

I mean, oo, sabi nga niya, lagi siyang naiiwan or something, pero mukha ba namang iiwan ko siya? I... wala namang kami pero kahit na nagpepretend lang kami, hindi ko naman siya iiwan, eh.

Ipinikit ko ang mga mata ko. Bukas na nga.

mine ♡ hendery wongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon