mine ♡ five

123 6 6
                                    

Uwian na ngayon, at hindi ko alam kung paanong kasabay kong kumakain ngayon si Hendery Wong sa NCity Cafe. I mean, sinundo niya ako kanina sa classroom namin at nagulat rin ako, pero wala naman akong nagawa kundi ang sumunod.

Wala namang sinabi yung tao na magdedate kami e. Saka bakit ako mag-aassume e hindi rin naman niya ako niyayaya na maging mag-on kami?

"Loucielle," tawag niya, kaya naman ay napatingin ako agad sa kanya.

Shet.

"Hmm?" Tanong ko, and then he smiled at me before speaking.

"Linawin ko lang, ha? Jowang jowa na ako, pero hindi ibig sabihin nun tayo na. Pwede bang magpretend lang tayo na may tayo? Lalo na sa mga kaibigan ko? Alam mo naman siguro na naging gusto ko si Kaede Yukino ng Class 2-2 diba? Ayaw kasi nilang maniwala sa akin na nakamove on na ako, eh," sabi ni Hendery, kaya naman ay nagulat ako.

"O-Oo naman! Hays, salamat. Pag naging tayo rin, lagot kaya ako kay Wonwoo oppa ko! Jeez. Fake lang tayo? Teka, gano ba katagal yan? Jowang jowa rin ako, gusto ko maranasan yung parang may jowa, pero natatakot naman ako sa real deal. Hahaha. Kumbaga... I help you in making your friends think na nakamove on ka na, and you help make me feel what it feels like having someone?" Sabi ko, and then he nodded.

"Ganun na nga, hahaha." Sagot naman niya. "Isa pa. Can we promise each other na walang mafafall?"

I blinked rapidly and then fiddled with my skirt. Marupok ako, siz. Kaya ko ba?

Nginitian ko naman siya at saka tinanguan.

"Sure," sabi ko.

Panindigan mo yan, Loucielle. Sinasabi ko sayo.

"About kay Wonwoo oppa mo, haharapin ko siya kung sakali. Basta, this, us being fake, satin satin lang ha? Ang story natin, matagal na tayong magkachat tapos hanggang sa narealize ko na gusto pala kita," sabi niya, and I laughed.

"Wow, ha? May plot ka na?" Tanong ko, chuckling, at tumawa naman siya.

"Naman. O sige na, ha? Kaya wag ka nang maiilang sa akin kung every now and then is sinusuyo kita," sabi niya, and I smiled before nodding.

Nako. Mahirap mafall sayo, Hendery, ah.

He then smiled at me and then ruffled my hair, kaya naman nginitian ko siya.

Screw it.

"You're mine. Remember that, okay?"

"O-Okay, Hen-"

"Call me Dery. O ikaw bahala. Kung san ka komportable,"

mine ♡ hendery wongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon