FOREVERMORE Part I

3.3K 40 1
                                    

UAAP Season 73 ng Juniors Basketball, Finals: Game 2, Fourth quarter and there are 16 seconds left before this game ends. La Salle's leading over Ateneo with 2 points, 56-54.

Si Pessumal ang may hawak ng bola ngayon, pinasa niya kay Capacio. 10 seconds left... Then pinasa kay Ravena. Pumwesto agad ito sa 3 point parameter. 5 seconds left... Then nagshoot siya. 4...3...2...1...0! Hindi pumasok ang shoot niya.

Sigawan naman ang mga tao na nasa green side. La Salle defeated Ateneo, 56-54. So this means that there will be a Game 3.

Hinanap ng mga mata ko 'yong lalaking kinaadikan ko. #fangirl
When I saw him, I felt sad because he's upset. Nilapitan siya ng iba niyang teammates. I think he's blaming himself for their defeat, na hindi naman dapat. Like duh, he's performance was awesome. Third quarter pa nga lang, he has already made 17 points. Haaay, Kief.

"Bes, let's go. We still have our training this 4 pm." Tawag sa akin ni Jessey.

"Okay." Then umalis na kami ng gym.

++++

@St. Scholastica's gym

"Jz, parang sobrang aga naman natin for our training." I said while nagtatie ng shoe lace ko.

"Thirty minutes lang naman, kung maka SOBRA naman 'to. Anyway, talo ang team mo kanina. So, it also means na talo ka rin sa bet natin."
Urgh! The bet. Well, nagpustahan kasi kami na if mananalo ang team niya, which is La Salle ay may ipapagawa siya sa'kin and ganun din ako if mananalo team ko which on the other hand is Ateneo. She won against me kaya I need to do the dare that she'll give me.

"Oh, tapos?" I said while arching my left eyebrow.

"Anong 'oh, tapos' mo dyan? Hoy, you need to do something, right?" She said while grinning.

I rolled my eyes before answering her, "Oo na. What is it ba?"

"Since, bestfriend kita... Ang dare na ipapagawa ko is...." Sabay taas at babae ng mga kilay niya. Alam ko na, kalokohan na naman ang iniisip nito.

"Jz, kilala kita. And I think kalokohan 'yang nasa isip mo."
Pero tinawanan lang niya ako. Naknang!

"Chill. Hindi naman 'to kalokohan pero I'm pretty sure na magugustuhan mo 'to."

"Sige na, sabihin mo na nga sa'kin."

"Excited lang? Well, here it is. All you need to do is ibigay ang ginawa mong letter kagabi sa crush mo."

"Huh? A-anong letter ang pinagsasabi mo dyan?" Don't tell me nasa kanya 'yong letter? Oh, crap!

"Gusto mong ipakita ko sa'yo 'yong letter na ginawa mo?" Sh*t! Siya pala 'yong kumuha nun.

"Sige na nga pero paano napunta 'yong letter sa'yo? Because as far as I can remember, I placed it in my orange expanded envelope."

"Well, nahulog mo kasi 'yon." Huh? Paano?

"Paanong nahulog?  Eh, siniguro ko ngang safe 'yon tapos nahulog? Isa, umamin ka na kasi."

"Sige na nga. Nacurious kasi ako sa letter na ginawa mo. Since ayaw mo namang sabihin, kinuha ko nalang. He-he-he. Sorry." And nagpeace sign siya sa'kin.

"Tsss. Sa susunod 'wag mo nang ulitin 'yan ha? Pasalamat la bestfriend kita, kung di... nako."

"Promise, I won't do it again."

"You definitely should or else tatawagan ko 'yang crush mo at ibubulgar ko sa kanya ang secret mo."

"Oi! Di na nga diba?"

Miefer Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon