© LeinMarie |2015|
"So, you're also here pala."
Kinuha ko muna yung duffle bag ko na hawak hawak niya. "Thank you sa tulong." Nahihiya kong sabi.
"Welcome." He smiled at me and napatingin siya sa taong nasa likuran ko. Si Jessey.
"Hello Kiefy!" Masiglang bati ni Jessey kay Kiefer.
"Ms. De Leon!" Kiefer
Teka! Teka lang ha! Ba't nila kilala ang isa't isa?
"Do you know each other?" I asked the two of them.
Umiling lang si Jessey and ngumiti ng parang... weird. Si Kiefer naman, nakangiti lang.
Wait a minute, pancit na mainit. Am I missing something here?
"Okay, walang gustong sumagot. Anyway, thank you once again Kief." I said and tumalikod na. "Let's go Jessey."
"Bye Kief! See you when I see you!" Sabi ni Jessey at sinabayan na ako sa paglalakad.
Nang makarating na kami sa room namin. Agad kong inayos ang mga gamit ko. Dalawang double deck na kama ang meron dito sa room namin.
Sumalampak naman ako sa kama ko and napapikit.
"Mikaaa!" Sigaw ni Jessey kaya napaupo ako.
"What?" Agad kong tanong sa kanya.
"Walang signal dito! Huhuhuhuhuhu!" Ayun nga'y nabatukan ko na.
"Grabe rin yang sayad ng utak mo noh?"
"Hehehe. Seriously tho, asaan na ba yung ibang makakasama natin dito?" She asked me.
"Maybe they're on their way here na... I hope na hindi sila masusungit."
"Sana nga."
Bigla namang may kumatok ng pinto. Ah, naka sara nga pala 'to. Tumayo na ako and opened it. Tumambad sa akin ang dalawang magkamukhang babae, or I should say... twins.
They smiled at me and I did the same in return. "Come in." And pumasok na rin sila.
Matapos nilang ayusin ang mga gamit nila'y umupo muna sila sa mini sofa namin.
"Good morning roommates! By the way, I'm Camille Cruz and the is my twin sister, Cienne." She said and nagshake hands naman kami.
"Good morning too, ladies. My name's Mika Reyes and she's my bestfriend, Jessey De Leon." Sabi ko habang tinuturo yung babaeng nakapikit na nakahiga sa kama niya.
"Pagod siguro kaya nakatulog. Hehe.." I thinks it's Cienne kasi medyo may pagka singkit ang mga mata niya.
"Ah, oo. Malayo pa kasi ang binyahe namin eh." I said at umakyat na sa taas at humiga na.
"Sige, magrest ka na rin. Kasi kami rin magpapahinga muna 'cause mamayang gabi magkakaroon pa kasi ng camp fire." I think si Camille ang nagsabi nun kasi mas matangkad siya kumpara kay Cienne.
"Sige. Gisingin niyo na rin kami if kailangan ha? Please. Hehe." Nahihiya kong sabi.
"Sure. No problem." Cienne said.
I closed my eyes and natulog na nga.
+++
Nagising ako dahil sa isang sigaw. Ugh! Ang forever annoying kong bestfriend lang pala.
"Mika Aereen! Finally at gising ka na rin! Magbihis ka na nga't aalis na tayo papuntang Camp Area." Jessey said. Nakabihis na pala ang loka.
After doing all my rituals ay lumabas na ako ng CR. Ngayon, balot na balot ako because you know naman Baguio, it's quite chili in here. Haha
BINABASA MO ANG
Miefer Short Stories
Historia CortaShort stories I wrote back when they were still together.