HW #3

324 25 11
                                    

Undeserving

"Hoy babae! Why are you late? Katatapos lang nang first period!" Nanlamig ako ng dahil sa sinabi ni Eru.

Ang aga-aga ganito agad ang bubungad sa akin? Kasalanan mo din naman to Luna, ang landi mo din kasing babae ka! Kung hindi mo sana kinausap si Thad ay hindi ka male-late! Tingnan mo ngayon.

"Are you serious? I just ate in the cafeteria because I'm hungry! I didn't eat my breakfast kanina kasi late na ako for school!" Binalingan ko siya at umupo sa upuan ko.

Damn! So ibig-sabihin absent ako sa first period namin kanina? What the hell? Ngayon lang nangyari sa akin to! I never experienced being absent in our class unless I have an emergency and importante errands!

As usual maingay na naman ang mga kaklase ko. Nasa 3rd year na kami ng Highschool pero ang mga ingay nila ay pang elementarya parin. Plus the annoying voices of my freaking bestfriends? Hindi talaga nakakaligtas ang tenga ko sa sigawan nila.

"May pogi dun Aesh? I think I should come with you always para maka hanap ako ng boyfie you know I'm so bored.." Lau said.

Aba? Gagamitin pa ako para lumandi? I looked at her with my disgusted face.

"Bakit pa palagi kang naghahanap ng gwapo Lau? ayaw mo sa panget? Para bagay naman kayo!" Pang aasar ni Rari sa kaniya.

"Sinasabi mo bang panget ako Rarissime Ortega?Nahiya naman ako sa itsura mong mukhang ingrone ko!" Humagalpak kami ng tawa dahil sa
sinabi ni Lau sakanya.

"Abat! Walang'ya atleast kaya kitang saktan boba!"

"Oh anong konek nun? paano mo ako masasaktan aber?" Maraming alam na kabastusan pero slow. Hay naku Laurean.

"Bobita nga talaga! Malamang masakit ang ingrone kapag kinukuha diba? Aral muna kasi bago landi girl!"

"Wala kang pakealam kung lumandi ako okay? This is my life to deal with!"

"Ops! Sinabi ko bang life ko ha? Boba!" Lumapit si Eru sa kanila at pinagbungo ang ulo nila sa isa't-isa. That will hurt, surely...

"Pareho lang naman kayong bobita dito okay? Aminin niyo nalang na si Liana at Eru lang talaga ang matalino sa atin dito!" Tumawa naman sila sa sinabi ni Lau.

I agree though. Pero kahit papano naman ay matataas ang grades namin.

"Hindi naman, matalino din naman kayo ah? Walang bobo sa mundo." Pahumble pa ang isang 'to. Mabait lang talaga si Caelliana.

"You know what Liana? Kapag hindi tayo close ay iisipin ko talagang plastic ka!" Umiling iling nalang ako sa kanila. That's why I can't rest peacefully here in our class during vacants, ang iingay nila.

"Ikaw naman Aesha! Why are you late? Busy ka na naman sa pag stalk kay Thad sa Ig, Twitter or Facebook? Which of the three Aesh?" Eru smirked like a dog. Mukhang narinig siya ng iba kaya pati sila ay nakiusisa na rin.

"For your damn info, I didn't stalked his account bruha ka! I was mad at him kaya hindi ko iyon ginawa kagabi!" God knows I lied.

"Kagabi? Ibig sabihin kagabi mo lang siya hindi inistalk? Naku naku Aesha ha!" Inirapan ko lang siya.

"What happened during our Ap sub? May quiz si Ma'am?" I asked them at naglakad papunta sa unahan sa may pisara. Nakita kong tungkol sa Quantity demand at Supply ang discussion nila, based from what I've read.

"She didn't gave us a quiz, nag pa copy lang at advance reading for our assignment, and for your attendance don't worry about it." She grinned, making me think na may ginawa na naman siyang masama.

Healed Wounds (Madrigal Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon