HW #8

262 21 8
                                    

Makati

It was my hundredth time of sighing this day.

"Ang tagal mo namang mag pa trim ng buhok Aesh! I can't imagine my beautiful face back there waiting for you!"

Panay kasi ang reklamo at talak ni Eru simula pa kanina. Nandito kami ngayon sa loob ng comfort room nang salon, nag-re-retouch nang kaonti dahil nagmukha na kami haggard sa ilang oras na paghihintay na matapos ang pagpapaayos ko sa aking buhok.

"I didn't say na maghintay ka sa'kin ah? Sinabi ko pa nga na puwede kang mag window shopping muna!" I said and finger combed my hair.

Mas maganda na itong tingnan ngayon since it's in a v-cut style and quite shorter than my nakasanayan na hairstyles. Umabot ito sa gitna nang aking likod, hindi tulad noon na hanggang baywang. Nilagyan din ako ng bangs since mas nakakabata daw tingnan. Nahahati iyon sa gitna at nagsisilaglagan sa magkabilang gilid ng mukha ko whenever I comb it upwards, na maganda daw tingnan sabi ni Eru dahil mas lalo akong nagmumukhang Koreana.

"Why would I window shop eh may pera naman ako? Anyways, I saw Thad here kanina, he's with a blonde curvy girl, maybe her girl?" Tinaasan ko ng kilay si Eru at nilagyan nang tint ang labi ko.

Ano naman ang pakialam ko sa lalaking yun? Kahit milyon pa ang babae niya...

Wala. Akong. Pake.

"Ano naman ang gagawin ko sa kanila, tsaka sino si Thad? Makakain ba 'yan?" Umirap siya at mahina akong hinampas sa balikat. I groaned.

"Well, yummy naman ata siya, halata naman sa body built. Gusto mong mag state pa ako nang proofs here para maniwala ka?" Sinamaan ko siya nang tingin. Namumuro na talaga sa akin ang pinsan kong 'to.

"Ang mabuti pa ay umalis na tayo dito at bumili na nang damit, and please stop talking about that asshole. I'm allergic to guys like him..." I suggested which was agreed by her in a second. Medyo iritado na din ako dahil binanggit niya si Thad.

Kasalukuyan akong namimili ng damit na babagay sa akin while Eru was busy with her phone. Umiling nalang ako at nagpatuloy. I sighed when nothing
caught my attention.

I roamed my eyes around the area and viola! I found a plain lavender tank top sa may pintuan ng botique. Unang kita ko palang ay nagustuhan ko na. Nilapitan ko iyon at kukunin na sana nang may umagaw nito mula sa aking kamay.

"Excuse me pero akin to Miss!" Agad akong nairita sa tono ng pananalita ng babae.

I rolled my eyes and glanced at her, already annoyed.

"Excuse me din pero mas nauna ako sa'yo sa pagkuha Miss whoever you are..."

Tinaliman niya ako ng tingin. I equalled her glare at inagaw sa kaniya ang damit. How could she own this shirt eh hindi niya pa naman nabayaran! Pathetic.

"What's happening here?" A baritone voice asked coming from my back.

I smirked when I saw the jerk confidently standing with his hands inside his pocket. He is wearing a navy blue long sleeves which is folded until his elbow.

Looking hot there man!

I mentally slapped myself for complimenting him. You shouldn't Luna Aesha!

Mu brow shot up when the girl immediately clung on his arms. Oh, so this is the blonde girl Eru was talking about huh? Mang-aagaw naman pala eh.

Ops, I am not referring to Thad. Damit ang tinutukoy ko dito.

"She stole my top! Akin na iyan eh kinuha niya pa magnanakaw siya!" Sumbong ng gaga kay Thad. I rolled my eyes and stared at them coldly.

Healed Wounds (Madrigal Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon