HW #18

261 16 1
                                    

Marupok

The doctor told us just a minute ago, thatThad can be discharged after two days. Pero hindi na muna namin siya papayagang pumasok sa trabaho kapag nakalabas na kami. Maybe after a week or so, he can continue working.

Maayos na din naman si Tito Jave at puwede namang siya muna ang mag manage ng ospital. We can't risk Thad's safety, hindi pa humihilom ng buo ang sugat niya sa ulo. Mamaya baka kung ano pa ang mangyari sa kaniya.

Nandito kami ngayon sa kuwarto niya. Naka upo siya sa hospital bed habang ako naman ay nasa harap niya, kasalukuyang ginagamot ang kaniyang sugat sa ulo.

I applied some ointment given by the doctor softly on his wound. Mabuti nga at maliit lang ang sugat niya at unti-unti na ring humihilom.

"Ouch!" I smiled cutely at him. Napalakas kasi ang pag pindot ko sa sugat niya.

He glared at me. "Nurse ka ba talaga? Hinay hinay naman mahal." Kumibit balikat ako at hinalikan lamang ang pisngi niya upang tumahimik. Plus kinikilig ako ano ba? Bakit ka ganiyan Thad?

He blushed immediately after I kissed his cheeks.

Tinuro niya ang gilid ng labi niya.

"Dito pa oh masakit." Sinamaan ko siya ng tingin.

"Stop being malandi you hinayupak. Sapakin kita diyan eh." Humalakhak siya at hinila ang damit ko.

Agad kong tinampal ang kamay niya nang tumaas ang damit na suot ko.

"Manyak!" I muttered and put the medicines back to it's container.

Pagkatapos kong ilagay sa cabinet ang medicine kit ay agad kong binalik ang gauze sa ulo niya at pinahiga siya ng dahan dahan. Inayos ko ang kumot at umupo sa tabi niya.

"I hate being sick, but seeing you taking care of me when I am? Damn kahit hindi na ako gumaling okay lang." Agad siyang nakatanggap ng palo sa braso mula sa akin.

How could he say that? Na kahit hindi siya gumaling okay lang? Gago! Hindi mo alam kung paano ako nadurog ng malaman kong may masamang nangyari sa'yo tapos ganiyan pa ang sasabihin mo. Damn you! Pasalamat ka at mahal kita.

"Ang landi mo, atsaka hindi ko inexpect na magigising ka ngayong araw ha, your doctor said that it will take a week or more for you to wake up from coma. Nagulat nalang ako kanina na gising ka nang hinayupak ka." I ranted while coming closer to him.

Nang makita niya ang gusto kong gawin ay agad niya akong hinapit sa bewang at pinasandal ang ulo ko sa dibdib niya.

I missed this scent.

I sniffed on it and bite it a little earning a groan from him. Binelatan ko siya at ipinagpatuloy ang ginagawa. He sighed and caressed my hair with his manly hands, hinayaan ako sa ginagawa.

"Who says I'm in a coma? Na aksidente ako pero hindi ako na comatose. Kaya ba nakapikit ka kanina pag pasok mo dito kasi akala mo hindi parin ako nagigising o kaya'y patay na ako?"

He asked me with his raspy voice, his hands still playing with the ends of my hair minsan nga ay dinadala niya pa iyon sa ilong niya at sinisinghot.

But did he just say he's not in a coma?

"What do you mean you're not in a coma? Liana told me you are." I uttered with my soft voice, nanatiling nakatago ang mukha ko sa dibdib niya.

"Baby, believe me I'm not. Hindi ko alam kung ano'ng pumasok sa kokote ng mga baliw mong kaibigan at sinabi nila 'yon, maybe to get us close again hmm?" I pouted.

Healed Wounds (Madrigal Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon