HW #5

308 24 2
                                    

For me

"Bebe Aesha! Girl, you look so pretty! Blooming masyado ah? Dahil ba kay Thad?" Lau asked me.

Kung hindi ko lang siya na miss siguro binatukan ko na to kanina pa. Pasalamat siya at wala si Rari dito. Inaya ni Liana na kumuha ng pagkain sa buffet table.

Umiling ako at umupo sa tabi niya.

"Thad's just my crush back then, no big deal at sana huwag niyo nang balikan ang mga bagay na tapos na. I'm here to enjoy and reunite with you all..." I said and drank my tequila.

Kung blooming ba ibig-sabihin nagpapaganda na para sa isang tao? I'm just doing this to be presentable and confident.

Naghiyawan sila sa sinabi ko. Why? Totoo naman ang sinabi ko. Kung hindi pa ako natauhan noon edi sana mas nasasaktan ako ngayon.

"Really girl? Oh may mas malalim kapa talagang nararamdaman sa kaniya noon?" Lau wiggled her eyebrows and poured me another glass of drink.
Pareho sila nang ugali ni Erudite. Hindi talaga titigil hanggang sa mapikon ako.

Birds with thesame feather flocks together nga ika nila.

"No, I don't have any deep feelings for him that time, crush lang talaga iyon." I sighed.

Oo inaamin ko na malalim talaga ang nararamdaman ko sa kaniya noon. Pero hindi na nila iyon kailangan malaman. For what? Another heartache? No way. I had enough already. Masyado nang malalim ang tinamo kong sugat mula sa matalim niyang pagkatao.

"Hmm? Pero what if bumalik siya sayo at manligaw? You'll accept him?" I glared at her. Kung ano ano ang iniisip nito! I sighed to stop myself from shouting.

"Hindi ko alam sa ngayon kasi hindi iyan ang pinagtutuunan ko nang pansin, wala pa sa isip ko. I am busy with my work."

I looked at my glass. Nangangalahati na iyon. Ikalawang baso ko palang naman to pero nag-uumpisa na sa pagsakit ang aking ulo. I've got low tolerance when it comes to alcoholic drinks.

Busy ako sa aking trabaho. I am a licensed nurse and wala sa isip ko ang pagpasok sa isang relasyon. That is just a distraction. What if he'll comeback to my life? Paano kung manligaw nga siya sa akin?

No, that's way too impossible. Hindi nga siya na fall sa akin noon eh, ngayon pa kaya na tumanda na kami?

"Wow! Luna Aesha is a mature woman now! Look everyone! Ayaw na niya kay Thad!" Ipinagsigawan ni Laurean ang mga sinabi ko.

She's already drunk for pete's sake! Kailan ba ito susunduin nang boyfriend niya dahil kanina pa ako naririndi sa kaniya.

Tumawa ang mga nakarinig. Even Thad who's busy with his phone looked up and accidentally catched my eye.

Uminit ang magkabilang pisngi ko ng makitang nakahawak siya sa bewang ng isang hindi pamilyar na babae sa akin.

Tinaasan niya ako ng kilay ng makita niyang nakatingin ako sakanila. Lumapit siya sa tenga ng babae at may binulong bago tumayo.

Tss. Mabuti nga kung umalis ka! Palagi ka namang nang iiwan eh! Hindi na ako magugulat kung-

Muntik ko nang mabuga ang iniinom ko ng makita siya na papunta sa kinauupuan ko. He is walking confidently with his hands inside his pocket. His face was just blank.

Hindi nga ako nagkamali. He sat on my right side. Ngayon we're alone together. Si Laurean kasi ay nasa dance floor na. Sina Eru, Liana at Rari na pupunta sana dito ay biglang bumalik sa pinanggalingan nila ng makitang nakaupo si Thad sa gilid ko.

Aalis ba ako? Or not? I thought.

Pag umalis ako panigurado iisipin niyang apektado padin ako sa nakaraan namin, kahit wala namang dapat isipin tungkol doon. Inubos ko ang inumin na nasa baso ko para makaalis ako dito. I'll just say I have to get more drink, pero wala na akong planong bumalik dito.

Healed Wounds (Madrigal Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon