HW #19

267 15 2
                                    

Visit

"Isa! Huwag ka ngang galaw ng galaw! Mamaya dumugo ulo mo bahala ka." Iritang utos ko sa hinayupak.

It's been two weeks since he got discharged from the hospital. Maayos na rin ang lagay niyo pero kailangan pa din niyang mag-ingat baka kasi tumama ang ulo niya kung saan-saan, mukha pa namang tanga.

Nandito kami ngayon sa loob ng sasakyan niya, pareho kaming nasa back seat, sinabi ko kina Tita na huwag muna siyang payagang mag maneho, kagagaling lang niya sa aksidente eh, natatakot ako na baka kung ano na naman ang mangyari sa kaniya.

Papunta kami ngayon sa bahay, we'll fetch my Mom at didiretso kay Dad.

Everything happens for a reason. Tanggap na namin ang ginawa niya, even Thad's parents accepted it already.

They are really kind, kaya din siguro nagustuhan ni Dad si Tita Thania noon, because of her kindness.

But syempre, fate was in favor of Tito Jave. Deserve naman nila ang isa't-isa. And for my Dad, syempre para kay Mom ko, they deserve each other.

I pinched Thad's arm when he touched my right leg.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Manyak! Sapukin kita eh!"

He made a face making me laugh hard.

"Alam mo mukha kang si Mr. Bean, pangit mo." I teased him. Actually he looks so cute while making faces pero trip ko lang talagang inisin siya.

He frowned and brought his hand on my waist, pulling me closer to his body.

"Mahal mo naman." walang preno niyang sabi.

Ngumiwi ako at pabiro siyang sinampal sa mukha. My eyes widened when my finger accidentally hit his eye. I pouted and caressed it softly.

"Sorry, 'di ko sadya..." I uttered with my small voice.

C'mmon Thad, forgive me already.

Hindi niya ako pinansin at iniwas ang mukha sa akin. The big baby is mad huh? I grinned and brought my hands on his waist hugging him tightly.

"Sorry na bebe, oo na mahal na kita, sige pag hindi mo ako papansinin, hindi kita papakasalan." Pinigilan kong matawa nang bumaling siya ng tingin sa akin at hinalikan ang noo ko.

The mad baby is sweet again. I love it so much.

"Hindi ko magawang magalit sa'yo Luna Aesha. I forced myself to ignore you but damn, your cute voice ang warm hug makes my heart melt. Hmmm, what do they call that? Marupok? ang rupok ko pagdating sa'yo." Umiling iling ako at hinalikan ang pisngi niya bago lumayo sa kaniya.

Nakakahiya kasi kay Manong kung maglampungan kami dito, single pa naman siya.

Paano ko nalaman? Tinanong ko syempre, sabi ko bagay sila ni Yaya Ester wala ding boyfie iyon eh.

Huminto ang sasakyan sa gate namin, gumawa ng tunog si manong at agad na binuksan ni Yaya Ester ang gate.

Kinalabit ko si Thad at tinuro si Yaya Ester na mukhang namumula dahil kay Manong.

"Look at yaya, she looks so flushed! Mukhang kailangan kong maging si Kupido ngayon ah?" natatawang saad ko.

Umiling si Thad at pinitik ang noo ko.

"Ganiyan din ang itsura mo noong Highschool ka pa, mukha kang kamatis sa sobrang pula pag nakatingin sa akin." I gritted my teeth and punched his chest.

He groaned and caught my hand.

"What? Galit ka, totoo naman ah? Akala mo hindi ko narinig ang mga chismis niyo noon ng mga baliw mong kaibigan huh?" Umirap ako at umiwas ng tingin.

Healed Wounds (Madrigal Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon