Chapter 1

982 27 1
                                    

Lisa's P.O.V

Manang alis na po ako" sabi ko kay manang na naglilinis ng bahay. Katiwala siya ng aking pamilya simula pa nung bata ako. Tumango lang siya sa'kin.

"Ay sungit" bulong ko saka bumungisngis. Nalate nanaman kasi ako ng uwi kagabi at hindi ko na kasabay si manang sa pagkain. Siya nalang kasi nakakasabay ko sa pagkain, busy lagi mga magulang ko.

Tiningnan ko pa ang orasan ko 8:00 na, 8:30 dapat nasa office na 'ko.

Nakatingin ako sa kotse ko at nakita ko nanaman siya na nakasilip at ako ay inaantay niya, nakakakita ako ng mga kaluluwa.

Bukas ang third eye ko, nakikita ko nanaman kung pa'no kumikinang anv kanyang mga mata sa tuwing ako ay nakikita niya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Bukas ang third eye ko, nakikita ko nanaman kung pa'no kumikinang anv kanyang mga mata sa tuwing ako ay nakikita niya.

Hindi mo malalaman na siya ay isang namamalagi,
Kung hindi mo titingnan ang leeg niya.

Ang leeg niya ay may bakas ng lubid.
Ang mata niya ay puno ng lungkot.
Mga ngiti niya ay nakakahalina, na para bang nasilayan ko na noon pa.

Hindi ko alam kung bakit, panay ang sunod niya sa akin. Napakatagal na panahon na niyang ganito. Sunod lang siya ng sunod sa'kin.

Nagtuloy ako na pumasok nalang sa aking sasakyan. Nagkunwaring hindi ko siya nakikita.

Alam niyang nakikita ko siya, ngunit hindi ko siya pinapansin.

Mabait siyang kaluluwa, Lagi siyang nakangiti sa tuwing masisilayan niya ako. Ngunit hindi natatago ng kanyang mga ngiti ang lungkot na dinadala ng kanyang mga mata. 

Pag nakikita ko siyang ngumingiti sa t'wing ako ay nakikita niya. Para bang hindi na bago ang mga ngiti na yun, at parang nakita ko na 'yon dati pa...

Nagiging dahilan ito ng aking pagtatanong araw araw sa'king sarili.

Sino ka nga ba?
Ano bang maitutulong ko upang ika'y lumisan at mapunta sa walang katapusang ligaya...

"A girl from my past." [JENLISA]Where stories live. Discover now