Chapter 7

300 20 1
                                    

Lisa's P.O.V

Bahay.

Sobra akong napagod ngayong araw kaya pagkadating ko ay dumiretso na sa kwarto at hindi na dumiretso sa kusina para kumain.

Kasalukuyan akong nakahiga sa kama at---

"Kung pwede lang kita tulungan aking mahal"

"Kung pwede lang kita tulungan aking mahal"

Nagpaulit nanaman sa tenga ko ang narinig ko kanina, mahina pero narinig ko dahil sa sobrang tahimik ng office ko.

Sino ka ba talaga sa buhay ko? Ba't napakatagal mo nang sumusunod sa akin?
Nagsasalita ka naman pala ng iba, pero bakit hindi mo 'ko kinakausap para ipaliwanag lahat?

Ang gulo mo sa utak ko lagi Jennie Kim.

Nakatulog ako bigla sa ganoong isipin.

Kinabukasan.

January 14 2020

Nagising ako na may humihila ng kumot ko, nagulat ako dahil nakita kong pinepwersa ng multo ang aking mga kumot na higitin na para bang siya'y hirap na hirap.

May napanood ako dati na, sa tuwing pinepwersa ng mga multo o kaluluwa na makahawak sila ng mga bagay na hindi nila mahawakan.

Nauubusan din sila ng lakas.

Bumangon ako ng napakabilis para malaman niyang gising na ako at hindi na siya mahirapan sa paghila. Tiningnan ko ang clock

7:30 am

Ayos na yun, may pakinabang pala 'tong multo na 'to dito.

Pumasok ako ng banyo para maligo, pagkatapos ko ay nakita ko si Jennie na parang nanghihina.

"Anong nangyari sayo?" Nagulat ako sa tono ng pagtatanong ko at nagulat din ako dahil walang takot ang pagkakatanong ko, kundi bakas dito ang pag aalala.

Tumingin lang siya sa akin at ngumiti.

(To everyone, who's staying near the area of Taal Volcano, Keep safe everyone! He is always with us.)

"A girl from my past." [JENLISA]Where stories live. Discover now