Chapter 9

293 16 2
                                    

Jennie's P.O.V

Nagtatrabaho si Lisa sa kanyang opisina, at pinagbabalakan ko na kausapin ang lalaking nakakita sa akin kanina.

Pumunta ako sa Manoban's Clinic.

Kung saan nakahiga sa maliit na kama si Kai.

Nagaabang lamang ako habang nakatayo sa tapat ng kanyang hinihigaan.

Unti unting namulat ang kanyang mga mata, pagkakamulat nito ay ito nanaman ang mukhang takot na takot at gulat na gulat.

Bumangon siya biglaan, at gusto ng tumakbo nung ako'y nakita niya.

"Wag kang matakot, wala akong balak gawin sayo" sambit ko.

"Wag matakot?! Sinong 'di matatakot sa multo?" Takot na takot na ani niya.

Natawa naman ako hitsura niya.

"Kung hindi ka sana nagpakaduwag kanina, ay 'di ko malalaman na nakikita mo ako." Sabi ko.

"Ano bang kailangan mo sa'kin?!
Nagulat naman akong tumingin sakanya

"Sinong may sabi na may kailangan ako sayo? Sayo wala, sa amo niyo meron" sabi ko.

"Eh wala naman pala e, ba't mo 'ko kinakausap dito at ginugulo?" Sabi niya.

"Eh bakit ba?" Pabalang kong sabi.

Pano makakatulong 'to sakin, kung mas masungit pa yung lalaki na 'to kesa sa akin.
Sabi ko pa sa isip ko.

"Maaari mo ba akong tulungan?" pagmamakaawa ko sakanya .

"Hindi ako nagbibigay ng hustisya , layuan mo 'ko" sambit nito. 

Pinagsasabi nito..

"A girl from my past." [JENLISA]Where stories live. Discover now