Chapter 16

229 14 1
                                    

Kinabukasan

Bukas na ang kaarawan ko, alas kwatro palang ng umaga tinawagan ko agad si Mommy para ipaalala ulit ang alis namin.

"Mom,mamaya po ang flight natin mga alas sais ng umaga" pakikipagusap ko

"Anak pasensya na, hindi ka namin masasamahan ng Daddy mo ngayon kelangang kelangan kaming dalawa sa negosyo natin" sabi ng aking ina sa kabilang linya.

Nalungkot akong binaba ang kabilang telepono.

"Tumuloy ka, sasamahan kita.
Sasamahan  kita maglakbay ,kung gusto mo pabalik na din sa nakaraan nating dalawa." Sabi ng multo.

Lumakas ang kabog ng dibdib ko, ngumiti ako sakanya.  Ngunit naging dahilan nanaman ang kanyang mga salita ng pagtatanong ko sa aking sarili. 

 "Kung gusto mo pabalik na din sa nakaraan nating dalawa."

Tiningnan ko ang phone ko para tingnan kung may nag text ba do'n.

"Anak susunod kami bukas ng daddy mo, hindi namin pwedeng palampasin bukas ang kaarawan mo. Mauna kana, have fun!"

Napangiti naman ako sa nabasa ko.
Agad akong naligo sa banyo.

Lumipas ang mga oras at minuto.

Airport

Kasama ko pa rin ang multo, kanina ko pa napapansin na malungkot ito.

Bakit ka malungkot aking binibini?

"A girl from my past." [JENLISA]Where stories live. Discover now