Chapter 18

255 13 1
                                    

Jennie's P.O.V

Nalungkot ang mga mata ni Lisa pag katapos kong sabihin ang mga salita na iyon.

Bumaba na siya at sumunod ako.

Nakita ko si Rosalinda/Rosé kanina.

Alam kong magkikita at magkikita sila.

Bakit nga ba ganito?

Minsan sarili natin ang dahilan kung bakit tayo nasasaktan.

Nasa ganoon na sitwasyon ako na biglang may nakita akong bata.

Bata siya, siguro mga 10 taon gulang palang ito. Babae! May saksak siya sa bandang tiyan.

Tinawag ko ito, gusto kong kausapin siya.
Hindi pa tapos si Lisa sa kanyang kinakain.

"Bata" lumingon ito sa akin,malungkot ang kaniyang mga mukha.

"Nakikita mo po ako?" Sabi nito.

"Kaluluwa din ako" sabi ko dito.

Tumungo naman siya.

"Bakit ka andito? Bakit wala ka dun?" Pag tuturo ko sa taas.

"Nagpakamatay po ako" nagulat ako sa sinabi niya.

"Ano? Sa edad mong yan?! Nagpakamatay ka?!" Gulat na tanong ko. 

"Napakaganda mong bata, mukhang mayaman ka, anong rason mo para ganyanin mo ang buhay mo?" Tanong ko dito.

May tinuro siyang babae, at nagulat ako dahil nakita ko si Rosé at Jisoo sa bandang tinuro niya.

Kasama nito si Jisoo, ang dalawang tao sa buhay ni Lisa na walang ginawa kundi lokohin ito.

"Sila ang dahilan" lalo pa akong nagulat dahil hindi ako nagkakamali na si Rosé at Jisoo ang tinuro niya.

Lumapit ako sakanya at niyakap siya.
Niyakap ko siya, at nararamdaman namin ang isa't isa.

Parehas na kaming wala sa mundong tinatapakan.

Umiiyak siyang naka yakap sa akin.

"Ate gusto ko na ulit silang makasama, gusto ko nang maramdaman ulit ang mga yakap nila, nagpadala ako sa bugso ng damdamin" sabi nito, at ramdam na ramdam ko ang sakit sa kalooban ng batang ito.

"Anong pangalan mo? "

"Ella Gross po" sabi nito.

(Sorry sa late update gays, nagpahinga ako buong maghapon kahapon)

"A girl from my past." [JENLISA]Where stories live. Discover now