Prologue

854 24 12
                                    

Vote and Comment
Gusto ko something new. lol
Alaws ako magawa 🤣








-
"Hoy Minghao!!"













Lumabas si Minghao mula sa CR hindi pa siya tapos maligo. Kauuwi niya lang galing sa bar










Hindi ako pokpok, waiter lang okeh keyo?











"Sandali lang"










Dali daling lumabas ako sa cr at hindi pa nakakapagbanlaw










Kingina











Halos masira yung pinto ko sa kalabog ng Manang na to










"Magandang hapon po"










"Huwag mo akong maganda magandang hapon Minghao, pangatlong buwan mong hindi nakakapagbayaaaad!!" Asik saakin ni Manang Tuve










"Manang Tuve di ba sabi ko sa inyo sa sususnod na linggo ko na babayaran"











"Ay hinde! Pang isang libong beses mo na yan sinabi saakin! Lumayas ka na dito!!!"











Napaka OA neto, isang libong beses raw eh mga sampung beses lang naman












"Manang, huwag muna ngayon pakiusap"











"Lumayas ka leche wala akang pakinabang saakin "











"Manang wag muna ngayon, atsaka ang mahal mahal nang singil niyo sakin eh ang bantot bantot dito sa lugar nio pati sira sira na itong apartment na to"








"Ah ganon. Pasumbat sumbat ka pa. Walang hiya ka lumayas ka na dito"







Bigla namang pumasok si Manang Tuve sa loob ng apartment.










"Manang anong ginagawa niyo!!!"















"Obyus ba I got your bastaa-- kukunin ko mga gamit mo"







Jusko. Nakuha pang mag english ng matandang to









Huminga ako ng malalim. At lumapit sa kanya










"Manang pakiusap sa susunod na linggo sweldo ko na. Prames babayaran na kita"











"Tigilan mo ako Minghao! Lumayas ka na dito! Ayan mga gamit mo"












Kinaladkad niya ako palabas ng apartment. Puro mga damit ko kinuha niya. Sabagay wala naman akong mga appliances








Puking ina. Hindi pa nga pala ako nakakapagbanlaw may sabon pa ako sa katawan








"Hintayin niyo Manang Tuve makakahon ako sa hirap. Patatayuan ko ng magandang apartment itong tabing bakanteng lote!!!"








"Hindi na ako aasa, brip nga di ka makabile. Gago ka layas ka dito tsupi"








"Eh ikaw nga di ka makabile ng tutbrush palibhasa wala kang mga ngipen"







Saan na naman ba ako makakarating neto? Tangina kasi pinalayas nanaman ako sa apartment na inuupahan ko










Kinginang buhay to. Bakit pa ba ako nabubuhay kung puro paghihirap lang naman nararanasan ko






Hindi ko alam kung saan ako tutuloy ngayong gabi. Para akong sirang ulo dito sa kalsada habang naglalakad








Mabuti na lang talaga at naglaba na ako kagabi kaya may maisusuot akong mga damit ngayon. Mabuti na lang rin at nakuha ko yung bagpack ko jusq nandon lahat ng requirements q








Pati mga recycled na mga notebooks ko. Alam nio na kayod ng kayod at aral ng aral para makatapos








Hindi ko alam kung bakit ako pinagmalupitan ng tadhana. Iniwan na ako ng mga magulang ko








Iniwan nila ako kay Lola Sha, in short Basha








Tandang tanda ko pa yung pinagsamahan namin. Yung pagkajejemon ni Lola, sabtingin ko ay sakanya ako nagmana. Nakakalungkot dahil nawala siya agad. Bigla na lang kasi siyang hindi na nagising. Hindi ko rin alam kung saan ako makakahagilap ng panlibing niya mabuti na lang at may kaibigan akong mayaman si Seungcheol Hyung








Pero nangako naman ako sa kanya na babawi ako sa kanya.







Alam ko na kung saan ako titira ngayon hehehehehe








Kila Seungcheol













Kaso nakakahiya












Tumingin ako sa pipichuging relo ko, regalo to saakin ni Lola Sha nung kaarawan ko sabi niya tag dadalawang libo raw ito at inipon niya pero alam kong sa Divisoria niya lang ito binili









Kaloka siya lolokohin niya pa ako






Halos di ko na maaninagan yung relo king D-Shock para ngang nangunguryente to eh kaya mashoshock ka talaga









Itinutok ko ito sa poste ng ilaw at nakita kong alas otso na pala ng gabi!








Potaena kailangan ko na pumasok sa baaar





Kaso gago yung uniform ko hindi ko nadala





Putangina. Ano ba namang buhay to























A/N:


Goood Daaaaaaaay! Sa story na 'to hindi ko bet yung nega vibes tulad sa ''I just want you Body'' kaya more on kakornihan mwehehehe thank u po

The Poor Mistress • JunhaoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon