- nineteen ✔️✨

131 11 6
                                    




"Goodmorning everyone" bati sa kanila ng Prof nila sa Oral Com



Panibagong araw na naman




Kingina feeling o may pakulo itong si Maam





"I'm just here to announce you that the Performance Base Task is not longer individual" sabi ni ng kanilang Prof




"Mas madali yan kung groupings" bulong sa kanya ni Seungkwan




"By partner na so alphabetical order" sabi ng Prof niya habang tinitignan ang papel na nakalagay ang mga pangalan nila




"Kim Mingyu and Jeon Wonwoo" napatingin naman siya kay Mingyu at nakita niyang ngumiti si Mingyu kay Wonwoo




"Wen Junhui and Xu Minghao"



Nang marinig iyon ni Minghao ay agad siyang tumayo para pumunta sa tabi ni Jun




"Hihi Juuuuun! Partner tayooo! Is dis destiny??" sabi niya at inalog alog ang braso ni Jun



Kanina kasi ay sinabay nanaman siya ni Jun pagpasok sa University sa tingin niya nagbabago na si Jun sa kanya kaya tuwang tuwa siya





"Wag kang magpapabuhat saakin" sabi ni Jun tinutukoy nito na tumulong sa Task nila


"Oo naman nu hindi naman ako katulad ni Soonyoung hmp"



"Hoy gago!" mura ni Soonyoung










-


Matapos ang kanilang klase ay dumiretso na sila sa Dance Practice room para magensayo sa kanilang ipeperform sa susunod




Habang nagtuturo si Soonyoung ay hindi maiwasang makapag-muni muni si Minghao. Kasi ibang iba si Soonyoung kapag sumasayaw




Sa ilang taon nila magkakaibigan sa Daplis University ay kilalang kilala na niya ang mga kaibigan niya



Si Jihoon talagang masungit at ayaw ng iniistorbo pero malambot ang puso nito in short marupok


Si Soonyoung naman siya ay yung nanggugulo, malikot at pasaway



Si Wonwoo naman ay natural na tahimik pero may utak kapag may mga assignments sila at quiz ay umaasa sila sa kanya







Sa tuwing tumatambay sila noon sa kanto ng Tondo ay talagang sumasayaw na sila kaya sanay na sila sa mga ganito










Matapos ang practice nila ay nakahiga sila sa sahig at hingal na hingal dahil syempre pagod







Habang nakahiga silang lahat may biglang pumasok sa loob ng room







Si Jun may dala dalang mga tubig







"Yoooown! May pa tubig si Mayor" sabi ni Soonyoung






"Wow Jun himala ata yan" sabi ni DK





"Nabagok ka ghOrl?" Sabi ni Seungkwan




Naghiyawan sila sa tuwa






"Utang 'to, bayaran niyo ako trenta isa" sabi ni Jun







Umangal naman ang ibang miyembro







Kinuha na nila ang mga bottled water nila habang si Minghao at tinatamad tumayo kaya nakahiga lang siya









Lumapit naman si Jun sa kanya at iniabot ang Bottled Water. Bumangon naman agad si Minghao para uminom








May iniabot naman ulit sa kanya si Jun







At tinaggap niya ito ng tinignan niya ito ng malapitan ito ay ang kanyang peyborit na Lemon Square








Lumakas ang tibok ng puso niya hindi niya kasi inaasahan








Parang nagningning ang mga mata niya nang makita ang peyborit niya







Bakit may pa lemon square?









"Sala---" papasalamat na sana siya sa binata nang katabi na nito sila Hansol at Joshua sila ay nagkwekwentuhan







Nagmamasid siya sa paligid







Bakit ako lang may ganito?






Feeling niya napaka-special niya






Maya maya pa lumapit naman si Seungcheol sa kanya







"Mukhang napapalapit ka na kay Jun ah"








Tumango lamang siya at ngiting ngiti habang pinakatitigan ang Lemon Square. Kinikilig siya parang ayaw niyang kainin ito





"Lumayo ka na kay Jun" sabi ni Seungcheol na hindi man lang ngumingisi









"Bakit naman?"








Nagtataka siya sa inaasal ni Seungcheol napakaseryoso nito










"May girlfriend na siya"










-

Vote and Comment ✨💫 #jowable
Kamusta kayo? Sana okay lang ang lahaaaat

The Poor Mistress • JunhaoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon