fifty seven ✔️

116 9 4
                                    


Third Person's POV


Ang buong mag-anak ay nasa loob lamang ng Mansion maliban kay Sir Anton. Ang Ginang ay nasa kwarto ni Kisses nakikipaglaro ngunit wala pa ring pagbabago. Habang si Sir Antonio naman ay nasa companya




Si Junhui naman ay nasa kusina, nakatulala habang may hawak ng tubig na may baso.



Sakto naman ay patungo rin doon ang Ginang


Nang makita niya si Junhui, ay napansin niya ang pagkatulala nito. Kaya naman napakunit siya ng noo at lumapit rito



"Anak okay ka lang?" Tanong niya


Nahimasmasan naman si Jun, sa pag-approach ng Ginang sa kanya



Hindi na siya umimik. Tumango na lamang siya


Inilapag na niya ang baso sa table para umalis peri nagsalita muli ang Ginang



"Jun, alam mo ba kung nasaan na ngayon si Minghao?" Malungkot na tono nito



Ayaw na sumagot ni Jun dahil hindi niya rin naman alam kung nasaan ito



"Jun anak, alam ko namang hindi kayo nagkakasundo ni Minghao... Pero wala siyang kamag-anak o kakilala, wala siyang ubang lugar na mapupuntahan.."



Napapaisip rin si Junhui, dahil sa loob ng ilang araw na maghahanap niya kay Minghao ay wala siyang makuhang impormasyon.



Naglakas loob na rin siyng magtanong kay Mingyu kung nasaan ito ngunit wala silang alam. Humingi na rin siy ng tulong kay Seungcheol pero hanggang ngayon wala pa rin silang clue kung nasaan ito



Lalo siyang nag-aalala dahil malapit na magkaibigan sina Seungcheol bakit walang alam ito?





Hindi mawala sa isip niya na baka may kung-anong nangyari rito pero kilala niya si Minghao, malakas ang loob, hindi nasuko at higt sa lahat ay madiskarte.




"Anak, hangga't maari hanapin mo naman siya. Si Kisses hindi na rin kumikibo gaano hindi katulad noon.." nanghihinang sabi ng Ginang




Galit si Junhui sa Ginang, hindi niya alam kung ano at bakit. Kung bakit sa tuwing makikita niya ito ay biglang bumabalot sa kalooban niya ang poot.




Tumikhim siya "Okay.." atsaka naglakad siya paalis sa kusina.



Kahit naman siya ay hindi na mapakali sa loob ng ilang linggong walang paramdam si Minghao. Nagsisi siya



Nagsisisi siyang paalisin ito kahit na walang matibay na ebidensiyang nagpapatunay na siya ang sumira sa vase.




Noong nakaraang mga araw ay pumunta siya sa Tondo sa magulong apartment kung saan tumira si Minghao dati, nagpasama siya kina Wonwoo, Jihoon at Soonyoung dahil nga taga doon sila. Pero wala silang Minghao na natagpuan



Isang impormasyon lang ang nalakap nila.


Yun ay nung pumunta siya sa bar kung saan madalas na nagtatrabaho sa Bar si Minghao, ay ilang minuto niyang hinanap ito doon at nagtanong kung nasaan si Minghao nagtanong siya sa bartender. Ngunit ang sabi ay bigla na ring nawala bago pa siya nakapatanong





The Poor Mistress • JunhaoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon