forty two ✔️✨

142 18 0
                                    






Maagang umalis ang Grupo sa Manila upang pumunta sa Calatagan, Batangas. Ala-sais pa lang ng umaga ay nag-gayak na sila paalis





Nalate pa ng gising si Soonyoung mabuti na lang at sinundo ito nila Jihoon at Wonwoo. Kaya late silang tatlo nakarating. Mga tatlong oras ang byahe papunta roon depende pa kung traffic.




Nakasakay sila sa Mini Bus na pagmamay-ari nila Jun. Magaarkila sana si Seungcheol ng Van ang kaso sinuggest ni Joshua ang Mini Bus nila Jun kaya yun ang ginamit nila.




Wala namang problema sa Papa niya dahil kilala naman ang mga kaibigan nito. Isa pa kasama nila si Minghao







Magkakatabi ang JeongCheol, Verkwan, SeokSoo, SoonHoon, GyuHao at mag-isa sila Jun at si Wonwoo sa magkabilang dulo ng bus habang si Dino naman ay nasa mag-isa sa front seat ng bus at mahimbing na natutulog.












"Soonyoung pahingi nga!" sigaw ni Seungkwan







"Huwag kang maingay! Natutulog oh! Hingi ka kay Jun!" habang sumusubo ng malaking bag ng chichirya, katabi niya kasi si Jihoon ay tulog na naka-earphones at nakahilig sa balikat niya







"Juunhuiiiii! Pahinging fooooods!" pambubulabog ni Seungkwan habang nagmumuni si Jun at nakatingin lang sa labas





Napatingin naman ito sa kanyang at tumango-tango lang ibig-sabihin ay pumapayag siya




Tuwang-tuwa naman si Seungkwan at agad na kumuha ng makakain sa bag.



"Be careful" paalala ni Hansol, dahil pupunta si Seungkwan sa parteng gitna ng bus nabyahe pa rin kasi sila






Nakita naman ni Seungkwan ang pagyakap ni Mingyu sa braso ni Minghao, nasa tabi kasi nila ang bag




"Mingyu! Maka-lingkis naman 'to kay Minghao! Para kang sawa!" sigaw ni Seungkwan



Napatingin naman sa kanya ang dalawa at ngumisi lang






"Baka asawa" sagot ni Mingyu sabay kindat, kaya naman pinitik ni Minghao ang noo ng binata




"Pinagsasabi mu! Lubayan mo ako ang init-init na!" pagrereklamo ni Minghao peo 'di paawat si Mingyu




Nang makuha ni Seungkwan ang gusto niya ay umalis na siya





Paglampas niya sa dalawa ay nakita naman niya sina Joshua at DK na kumukuha ng litrato




"Huy! Sali ako!"




"Wag na! Epal naman neto!" panunuway ni DK at inilayo ang camera kay Seungkwan habang si Joshua naman ay ngumiti-ngiti lang




"Sunget! Malunod ka sana mamaya!" irap ni Seungkwan at bumalik na sa upuan



"Bebe Hansol. Inaaway nila me. Picture nga tayooooo!" pang-aaya niya kay Hansol at agad namang pumayag ito









Nang makarating na sila sa resort at excited silang bumaba. Bumungad sa kanila ang sariwang hangin, malayo sila sa kabihasnan kaya naman kaaya-aya ang paligid.





Winelcome naman sila ng mga staffs. Habang nakikipag-usap si Seungcheol sa desk, ang iba ah naghihintay sila sa lobby at naka-upo nagtatake ng picture, at umiinom ng juice




The Poor Mistress • JunhaoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon