-twenty eight ✔️✨

150 16 1
                                    




Naka-uwi na si Minghao galing sa Pledis University pero hindi pa rin maalis sa kanyang isipan ang nanyari kanina









Hindi siya mapakali dahil sa nararamdaman si Seungkwan ngayon








Isa ata sa kahinaan niya ang makitang nahihirapan kung sino man sa mga kaibigan niya









Isang beses nga noong nakatira pa sila sa Tondo ang mga magulang kasi ni Jihoon ay malulupit. Nanakit ng pisikal magkakasama sila Jihoon, Wonwoo, Soonyoung at Minghao noon nang gabi na sila maka-uwi galit na galit ang tatay nito at hahambalusin na si Jihoon ng dospor dos pero sinalo niya ito










Wala lang sa kanya ang mahalaga ay hindi nasaktan ang kaibigan niya











At noong kapos na kapos ang pamilya ni Soonyoung saktong nagkasakit ang nanay ni Soonyoung ay wala silang pambayad sa hospital ay binigay niya ang buong ipon niya hindi naman kalakihan pero sapat na para mapagaling ang nanay niya. Laking pasasalamat ni Soonyoung sa kanya at hindi rin nagtagal naibalik naman ni Soons sa kanya ang pera








Ngayon naman gusto niyang matulungan si Seungkwan na bumalik si Hansol sa kanya










Nag-iisip niya ng paraan para magkabalikan ang dalawa







Nagluto na muna siya ng hapunan, at naglilinis sa kusina








"Minghao, bakit ang haba ng nguso mo pwede na sabitan ng kaldero" tanong ni Joaquina habang si Minghao naghuhugas ng mga plato









"Grabe naman sa kaldero pero bang baso na lang?"








Natawa lang si Joaquina








Katatapos lang kumain ni Kisses habang si Jun naman ay hindi pa lumalabas ng kwarto kaya panigurado puro selpon lang yon









"Kapag ba naghiwalay kayo ng jowa mo at gusto mong bumalik siya anong gagawin mo?" tanong niya







Napa-isip naman ang babae









"Pililitin ko siyang kausapin ako-- pero teka lang may jowa ka ba?" usiserang tanong ng babae









"Mukha ba akong may jowa?"











"Alam mo kung wala akong jowa, liligawan kita" sabi ni Joaquina sa kanya kaya naman nanlaki ang mga mata niya












"Baliko ako!" sabi niya









"Alam ko" wala man lang gulat sa mukha ng babae








"Lagi ko kayong nakikita na mag-kasama si Ser, lagi kang tumatambay sa kwarto niya anong ginagawa niyo haaaa" pang-aasar sa kanya







"Gaga! Naglilinis ako ng kwarto niya malamang!"









"Sus! Baka sa susunod hindi na pag-lilinis ang ginagawa mo don"









The Poor Mistress • JunhaoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon