- twenty five ✔️✨

138 12 0
                                    


-

"Minghao may hihilingin sana ako sayo" sabi ng ginang






"Kahit ano po kering keri"






"Minghao, pakisamahan naman parati si Jun ha?" sabi ng Ginang







Hindi alam ni Minghao kung matutuwa ba siya o ano. Matutuwa kasi syempre may magagawa siya para suklian ang mga tulong sa kanya ng pamilyang Wen






"Bakit po?"






"Kahit ngayong araw lang" sabi ng Ginang






Agad namang siyang tumango.






Iyan ang nasa isip ngayon ni Minghao kasalukuyan siyang nasa loob ng classroom ngayon. May nagtuturong prof sa harap nila pero wala siyng maintindihan wala siyang sa mood makinig






Wala rin si Jun sa loob ng classroom hindi niya ito nakita buong araw hindi niy rin naabutan sa Mansion





Kaninang umaga humingi ng pabor ang Ginang kaya naman napapaisip siya kung bakit dapat niyang samahan si Jun kahit ngayong araw







Kanina niya pa nga ito hinahanap pero wala siyang makitang Jun






Kanina niya pa rin itong chinachat, tinetext o tinatawagan pero hindi sumasagot o nagrereply.







Kung gaano niya ito gustong iwasan kahapon ay ganon naman niya gustong makita ang binata







Napag-isip isip niya na baka kaibigan lang ni Jun ang babae sa litrato.






Kaya napanatag ang isipan niya







Umalis na ang Prof nila at may sinabi bago umalis pero wala siyang naintindihan o natandaan








"Hoy Minghao lipad nanaman utak mo" sabi ni Soonyoung sa kanya








"Nakita mo ba si Jun?" tanong niya








"Kaya pala kanina ka pang hindi mapakali si Jun pala hanap mo" sabi naman ni Jihoon






Hindi mapakali si Minghao kanina niya pang hinihintay pumasok si Jun. Tumayo siya magtanong kila Hanso






"Hoy Kano!" tawag niya nagcecellphone kasi si Hansol






"What?" tanong ni Hansol






"Nakita mo ba si Jun?"






"Nope" at nagcellphone ulit






"Joshua alam mo ba kung nasaan si Jun?"





"I don't know but..."







" I think he's in cemetery now" sabi ni Hansol







"Sementeryo? Hindi naman undas ngayon ah"






Ang pangit niyang mamili ng tinatambayan ghad







"Alis na ako mga beks!" Sabi niya dali daling kinuha ang mga gamit niya at nagpaalam








The Poor Mistress • JunhaoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon