forty five ✔️✨

120 15 3
                                    


-



Dalawang araw ang nakalipas hindi pa rin siya pinapansin si Jun, nakailang ulit na siyang suyo rito miski sa Pledis ay sinusundan niya ito pero parang bulag ito na hindi siya nakikita




Lagi niya rin itong kinukulit sa kwarto ng binata pero itinataboy pa rin siya nito





Hindi na siya naiinis at hindi siya sumusuko dahil nga nalaman na niya ang dahilan kung bakit naging ganoon ang reaksyon ng binata





Dalawang araw na rin siyang panay kain ng cheesecake at inuubos ang smoothies, ganon ba talaga kapag paborito mo hindi ka magsasawa?




Nasa loob siya ng kusina ngayon at naghuhugas ng plato, katatapos lang nila magtanghalian






Hindi sumasabay sa pagkain si Jun. Kahit na inaalok niya ito ay hindi pa rin siya pinapansin at parang mainit pa rin ang ulo






"Minghao..." dinig niyang may tumawag sa kanya kaya naman ay lumingon siya para makita kun sino ito





"May kailangan po ba kayu?" tanong agad niya sa Ginang





Ngumiti naman ito sa kanya bago sumagot





"Wala naman... huwag kang mag-alala" malumanay na tugon nito





"Cge puuu~" masigla niyag tugon,





"Naideposit ko na ang allowance mo this month sa bank account mo...Naupdate mo na ba?"




"Po?" tanong niya ulit, walang alam sa sinasabi ng Ginang





"Have you checked your bank account?"





"Bank account?" hinugasan niya muna ang kamay niya bago humarap sa Ginang





"You didn't know?"





"Ang alin po ba?" wala talaga siyang alam sa binabanggit nito





"Nevermind.. I'll let Jun to check it for you" napangiti naman ang Ginang, sa kasipagan ni Minghao natutuwa ito dahil nakikita niya itong naglilinis sa Mansion at kailanman hindi nagreklamo sa mga gawain





Binanlawan niya na muli ang mga plato para matapos na siya sa kanyang ginagawa




"By the way, I bought you the 'putok' bread you want..."




"Talaga po?" sigla niyang sambit





Ang tagal na rin nang huli niyang kain ng putok na tinapay na gusto niya, sa Tondo lang siya nakakabili sa bakery non






Wala kasing bakery na mura malapit sa Mansion, puro cafe at ang mamahal ng mga tinda





Isa pa hindi na siya ulit nakakapag-trabaho sa Bar kaya wala siyang sweldo ngayon







"Eto.." abot ng Ginang sa kanya na nakaplastic






Nang binuklat niya iyon ay ito nga ang tinapay na namimiss niya






The Poor Mistress • JunhaoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon