sixty one ✔️

85 6 0
                                    



THIRD PERSON's POV



Padalawang araw na ng Ginang sa hospital, matapos ang opeasyon ay hindi pa ito nagkakamalay


Sabi ng Doctor ay sucessful naman ang operasyon, kailangan namang hintayin itong maggising


Pero asahan raw na maraminitong sugat sa katawan lalo na sa bandang leeg, medyo kritikal pa ito





Hanggang ngayon lubos pa rin ang pangamba at kalungkutan na nararamdaman ni Junhui, nandito siya sa chapel ng Hospital



Siya lang mag-isa nakaluhod at panay tulo ang luha



"Lord, alam kong hindi ako malakas sa inyo. Alam kong hindi ako mabuting anak, pero ngayon lang..."




"Ngayong pagkakataon na 'to, pagbigyan niyo ako... alam kong hindi ako masunuring anak, alam kong suwail akong anak hindi lamang sa Iyo kundi na rin kay Papa pero..."





"Lord, ibigay niyo na po saakin 'to. Please si Tita Rina, kailangan ko ang tulong niyo, pagalingin niyo siya..."




"Kahit hindi na para saakin, para na kina Papa at Kisses..."



"Kisses need her, a-ayokong maranasan ni Kisses na lumaki na walang ina..."



Dire-diretsong dumadaloy ang luha sa kanyang mukha, ramdam niya ang sipon mula sa kanyang ilong


Sa mga oras na ito binuhos na niya lahat, lahat ng sakit, pangamba at higit sa lahat ay pagsisi.



Hindi niya akalaing, masakit pala na isiping mawala ang kanyang Tita Rina na noon ay pinagtataasan niya ng boses at tinataboy lang




"L-Lord, alam ko pong sobra na ang mga hiling ko pero... kung nasan man si M-Minghao ngayon s-sana masaya at o-okay lang siya..." yan ang huling panalalangin niya




Sa kabilang banda, nakikita ni Minghao ang paghihikbi ni Junhui sa loob ng chapel




Hindi mapigilan ni Minghao ang manunubig sa kanyang mga mata, masakit para sa kanya ang narraanasan ni Junhui ngayon


Nang malaman niya na naaksidente si Tita Rina ay agad siyang nagtungo dito, si Sungcheol ang nagsabi sa kaniya





Oo nagtago at umiwas siya kay Junhui dahil sa pag-aakusa at pagpapaalis sa kanya



Aaminin niyang nagagalit o nagtampo siya dahil ganun siya tinarato nito kahit totoo naman ang sinabi niya pero sa pagkakataong ito




Nawala yun na parang bula, wala siyng ibang nararamdaman ngayon kundi awa at pagmamahal





Dahan-Dahan siyang pumasok sa loob ng chapel, atsaka tumabi kay Jun




Nakaluhod ang binata samantala iya at umupo sa mahabang upuan




Nang mapansin ni Junhui na may gumalaw sa gilid niya ay agad siyng bumangon para makita kung ano o sino iyon




Nagulat na lamang siya at gumaan ng kaunti ang pakiramdam niya nang makita si Minghao






"Lord, binabawi ko na. Napakalakas ko pala sayo" nakangiting sambit ni Junhui



Hindi siya nagdalawang isip at agad na niyakap niya si Minghao



The Poor Mistress • JunhaoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon