fifty sex ✔️

124 8 3
                                    



Third Person's POV


Ramdam na ramdam ang kakulangan sa loob ng Mansion, tahimik at walang marinig na kahit anong ingay


Nawala ang sigla sa loob ng Mansion



Tuluyan na ngang umalis si Minghao, isang linggo na mula noong umalis ito.


Maraming nagbago


Nakakulong lang si Kisses sa loob ng kwarto nito at hindi nagsasalita kahit anong pilit ni Joaquina na kwentuhan ito ay hindi man lang nabuka ang bibig. Kahit na ipalabas pa sa malaking tv ang paborito nitong palabas na "peppa pig" ay wala man lang itong reaksyon



Nalulungkot si Joaquina sa nakikita niyang pagbabago kay Kisses. Ni hindi man lang nalabas ng kwarto, nalulungkot rin siya sa tuwing nag-iisa wala na si Minghao na kakulitan at ka-okrayan niya



Hindi pa nakakauwi ang mag-asawa sa mansion na wala man lang kaalam-alam sa nangyayari. Walang nakakpagsabi, walang may lakas ng loob



Si Junhui? Ayun nasa kwarto siya kasama si Sana. Lagi lang sila magkasama na kala mo ay walang nangyari, masaya at kuntento sa isa't isa


Pero ngayong araw ay paparating na ang mag-asawa sakto namang may lakad raw si Sana kaya wala ito sa Mansion. At si Junhui naman ay nakakulong sa loob ng kwarto




Mga ilang sandali pa agad na may kumalabog sa malaking pinto ng Mansion


Binuksan ni Joaquina ang pinto at laking gulat niya na makita ang mag-asawa na may pagaalala sa mga mukha




"M-Magandang umaga po Madam at Sir" pagbati niya at saka yumuko



Napaangat siya para kunin ang mga gamit ng mag-asawa sa sasakyan ngunit nagtataka siya na parang hindi mapakali ang Ginang, nag-aalala ito habang ang asawa naman nito ay nagmamasid lang



"Joaquina nasaan si Minghao!?" tanong ni agad



Nanlaki ang mga mata niya "P-Po?"
Hindi niya alm ang sasabihin niya




Alangan namang sabihin na "Pinalayas po ni Ser at pinagbintangan para kampihan ang impaktang fiance niyang haponez"



Hinawakan siya ng Ginang sa balikat "Totoo bang umalis na siya?" Kitang kita niya ang pag-aalala na may lungkot sa mukha nito



Umiling naman siya agad. Huminga muna siya ng malalim at tumungo "P-Pinaalis po n-ni S-Sir"



Naramdaman naman niyang natigilan ang Ginang, tinignan ito muli ni Joaquina. Hindi niya alam ang gagawin niya kasi nag-aalala talaga ang Ginang


Agaw pansin pa ang mabilis na mabibigat na yapak ng asawa nito patungo sa kwarto ni Junhui



"Yawa.." hinang sambit niya




-

Junhui's POV

"What the fuck, there's an enemy on top!" I screamed, we are playing mobile legends with my squad


The Poor Mistress • JunhaoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon