fifty five ✔️✨

117 10 10
                                    

Nandito na ako sa tapat ng Mansion, bumaba ako mula sa sasakyan ni Choi sa kanila na muna ako nakitulog kagabi dahil alangan namang magkalat ako sa bahay nina Jaehyun Pogi, nakakahiya baka kapag nalaman niya ang tunay kong kalat ay itakwil na niya ako




Nagpaalam naman ako kina Tito at Tita na makikitulog ako kina Cheol, nagtxt ako sakto nga at ded bat na rin yung phone buti nasend pa hakhak



"Mag-iingat ka ha" sabi niya saakin nakasilip sa bintana ng sasakyan




"Ebarg ka naman namamaalam ka na ba?" Tawa kong tugon


Napangisi lang rin siya. Nagkakwentuhan kasi kami kagabi nahahalata niya pala na malungkot talaga ako at balisa kaya ayon pinilit niya akong magkwento kulang na lang ay sakalin ako eh nagpapabebe lang naman ako para makaramdam ako ng suyo hakhak ayon nagchikahan kami buong gabi


Sa gaan lang rin sa feeling na may napagsabihan ako ng problema na hindi ko sinosolo.




"Basta kapag kailangan mo ng tulong punta ka lang sa bahay hindi nakalock pinto ng kwarto ko" sabi niya at ngumisi na kita ang gilagid




"Che! Baka pagbukas ko naglalampungan kayo ni Jeonghan!" asar ko sa kanya





"Sira ulo hindi.." panay tanggi niya akala naman niya hindi ko nasesense na tipo niya si Jeonghan



"O siya pasok na ako sa loob.." pagpapaalam ko




Nagtanguan lang kami at umalis na rin ang sasakyan siya sa tapat ng Mansion, masaya naman akong naglalakad patungo sa malaking pinto ng Mansion hindi na kasi pinasok ni Choi yung sasakyan niya sa mismong compound






Malayo pa lang ay nakikita ko ma si Huwakina, parang may hinahanap nang magtama ang mga mata namin ay dali dali siyang tumakbo papalit saakin





Hinawakan niya ako agad sa balikat, hingal na hingal siya takang taka naman ako sa fes niya pawis na pawis



"Anyare sayo? Tanghaling tapat nagjojogging ka?" bungad ko, pinagmasdan ko siya gulo gulo ang hair, kaloka


"Gaga!" bungad niya saakin at hindi pa rin makapagsalita sa sobrang hingal, matalim lang siyang nakatitig saakin



Nagtaka nanaman ako siguro may nabasag nanaman to sa kwarto ni Junhui



"Taena ka saan ka ba galing?" Asik niya saakin nagulat maman ako




"Dyan lang"



"Gaga ka talaga! Gali na galit si Ser!"



"Oh ano naman? Lagi namang galit yun hayaan mo si—"  pagbabalewala ko



"Shuta ka talaga! Hinahanap nga ni Ser!!"



Mas lalo naman akong nagtaka at napameywang



"At bakit naman ako hahanapin non?" taas kilay kong tanong


Miss na ba niya ako? Napangiti ako at bigla ring nawala dahil imposible naman yon

"Gaga bahala ka! Tara na" bigla niya akong hinila papasok sa loob ng bahay


Halos matalisod ako sa hila niya, kala mo hinahabol ng mga zombies



Ano nanaman kayang pinuputok ng butsi netong si Junhui. Bored ata at walang mapagtripan, walang maloko kaya need ako pakyu siya


Napairap na lang ako




The Poor Mistress • JunhaoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon