"salamat sa pag hatid boss brent." Elle said, ngumiti si brent.
"no problem elle, please try to rest your mind" sabi ni brent, tumango lang si elle, she waved one more time before heading inside, hindi niya na hinayaan pang magsalita si brent.
Pagkasara ng pinto ay napa-upo agad si elle sa sahig, sinandal niya ang ulo niya at iniuntog ito ng mahina.
"bakit si brent pa." she whispered, closing her eyes and letting the tears fall.
Tumayo si elle at kumilos na para matulog, she stared at herself sa salamin, she tried to smile but she just can't. Huminga ng malalim si elle at umupo sa kama. She dialed her mom's number kahit medyo late na.
"anak?" Her mom asked, ngumiti si elle
"nagising kita mama?"
"Hindi naman anak bakit? May kailangan ka ba? May problema ba dyan?"
"wala ma, namiss lang talaga kita"
Elle buried her face in her arms, sniffling and trying her best para hindi marinig ng mama niya ang pag-iyak niya.
"anong problema mo anak?"
"ma, may nakilala ako mama"
"mahal mo na?"
"hindi mama, hindi pwede."
"bakit hindi? Grazielle Marie, wag mo sabihing buntis ka?"
Natawa si elle
"hindi ma, hindi ako buntis."
"Boyfriend mo na siya?"
"hindi po, pero mama, iba siya."
"paanong iba?"
"diba sabi mo dati, ginulo ni papa yung buhay mo mama? Pero diba sabi mo rin ginulo niya in a good way? Mama, iba kasi si brent, hindi siya palangiti pero ang dali niya palang patawanin, tapos mama, tapos kapag tinitignan niya ako parang nanlalambot ako mama. Hindi ako napapagod kapag kasama ko siya, hindi kami tahimik, hindi kami payapa, pero mama pag pinapatawa niya ako para akong lumulutang sa saya, kaso alam ko na bawal mama, hindi pwede"
"bakit hindi pwede?" hinayaan ng mama ni elle na magkwento ang anak niya bago siya magsalita
"kasi mama, si mary grace mahal niya yun, lahat ng wala sa akin, na kay grace lahat, si grace maganda, si grace mahinhin, si grace mayaman, si grace hindi makabasag pinggan, si grace mahal niya"
"anak, ayokong pigilan ang pagiging masaya mo, anak kita, gusto ko lagi kang masaya at nakangiti, alam ko na mahal mo siya, kahit anong tanggi mo, halata ko sa boses mo 'nak, may tuwa kapag binabanggit mo siya elle, pero ang pagiging tama ang pinaka importante sa lahat, sa tingin mo ba tama ang ginagawa mo? sa tingin mo ba para sa ikabubuti mo yan? Na kinukumpara mo ang sarili mo kay grace? Hindi kita pinalaki para mainggit sa iba anak, kung anong meron si grace na wala ka, makakalamang ka sa ibang aspeto, kasi magkaiba kayo anak, magkaibang magkaiba, hindi kayo pareho, siguro pareho niyo siyang mahal, pero kailanman hindi mo dapat ikumpara ang sarili mo grace anak."
"Mama hindi ka ba nainsecure sa bago ni papa?"
"Mahirap kalaban ang kahapon anak, at mahirap na lumaban para sa taong hindi naman karapat dapat."
"I love you mama, uuwi ako pag wala na masyadong ginagawa rito."
"Ingat palagi grazielle, ingatan ang puso."