Chapter 13

19 0 0
                                    

Finally tapos na rin ang classes for today!

“Celinaaaaaa!!!” pagtawag sa akin ng isang boses galing a malayo. Inilibot ko naman ang paningin ko para hanapin kung saan nanggagaling ang boses.

“OVERRRR HEEREE!” pakaway-kaway pa sa hangin habang sumisigaw na tawag ni Jin.

Tumakbo ako palapit sakaniya.

“Kanina ka pa?” tanong ko.

“No, halos kararating ko lang. Tara na?”

“Ay, wait lang. Itetxt ko muna si Darren na wag nalang niya akong sunduin.”

“Oh ok.”

Kinuha ko yung phone ko at sakto naman ay tumatawag na si Darren.

“Hello?” sagot ko.

“Andito na ako, hindi ko na hinintay yung txt mo kasi maaga naman kami na-dismiss kaya dumiretso na ako rito.”

Bigla naman umakbay si Jin sa akin. Which is normal, masyado kasing touchy itong lalaking ito.

“Ah ganun ba. Nakalabas na rin ako, asan ka?”

“Nasaan ako?” tanong naman niya.

“Oo.”

“Nandito sa gilid mo, sino yang kasama mo? Nakaakbay pa sayo.” Mahinang sabi ni Darren.

Inilingon ko naman ang ulo ko at nakita ko siyang nakasandal sa pader.

“Darren…”

“Huh? Saan?” tanong namn ni Jin.

Lumapit naman si Darren sa amin ni Jin.

“Hey babe, care to tell me who this guy is?” tanong ni Darren habang nakatitig lang kay Jin.

Tiniganan ko naman si Jin na parang sirang naka-ngiti lang.

“Hi I’m Jin!” pagpapakilala ni Jin sabay abot ng kanan niyang kamay habang nakaakbay parin sa akin ang kaliwa.

“Darren.” Sagot naman ni Darren. Ganon na ba ang bagong “tell me about yourself” ngayon?

“Celina…”

“Hai?”

“Tara na.” sabay abot sa kamay ko.

“Wait! May lakad kami ni Celina today!” sabi nama ni Jin na yumakap pa sa akin na parang batang inaagawan ng laruan.

“Celina, let’s go.” Matigas na sabi ni Darren. Halata sa boses niya na galit na siya.

“Uhmm… Darren wait lang, kakausapin ko lang si Jin.

Hinarap ko naman si Jin at pinakiusapan na kung pwede ay sa bahay nalang niya ako sunduin mamaya. Pumayag naman siya at nagpaalam na.

Naglakad na kami ni Darren papunta sa sasakyan niya. Nakarating kami sa sasakyan at pinaandar na niya ito pero hindi parin siya kumikibo.

“Uhmm… Darren…”

Wala pa ring kibo.

“Darren.”

(¬_¬)

Hindi parin siya umimik.

“Ui!”

Silence ~~~

“What the hell!?” malakas kong sigaw.

Can i have this dance?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon