Chapter 14

28 0 0
                                    

*ding dong*

“Celina open the gate… I think that Jin!” utos sa akin ni Tita.

Agad ko naman tinungo ang pinto at lumabas upang pagbuksan ng gate si Jin. Pagbukas na pagbukas ko ay tumambad sa akin ang excited na excited na Jin.

Agad-agad siyang pumasok at naiwan ako sa may gate.

“Hey Celina! Ano pa ginagawa mo diyan? It’s time to eattttttt!!!!”  at agad naman siyang pumasok sa loob ng bahaya at sa isang iglap umingay nanaman ang bahay.

Sumunod na rin ako sa loob at nadatnang nakaupo si Jin sa harap ng lamesa habang naghahain sina Tita.

“Celina upo na, kakain na!” tawag sa akin ni Tita.

“Ay Tita may hinihintay pa po ako eh.”

“Ano? Sino pa hinihintay mo?”

“Si ano po -- ”

*ding-dong*

“Ay teka lang po… andiyan nap o siya.”

Pasimple kong tinakbo ang pinto at dali-daling binuksan ang gate.

“Late ka na. Naunahan ka na ni Jin.” Pang-iinis ko sa kaniya.

“I don’t care, mas love ako ni Tita kesa sakanya.”

WOW. Over confidence!

Agad naman kaming pumasok ka loob.

“Oh! So it’s Darren! Come in! You’re just in time for dinner!”

“Ah opo. Eto nga po pala may dala akong wine.”

“Thank you hijo. Upo na.”

Umupo na kami at tinungo naman ni Tita ang kusina para kunin ang mga niluto niya.

“Tita! Is it ready na?!” Tanong ni Jin.

“Yes. It’s here na!” sabay lapag ni Tita sa kare-kareng niluto niya.

“Oh my! I miss this! Mapaprami kain ko ngayong gabi!”

Agad nang umupo si Tita at dali-dali namang inabot ni Jin ang kanin.

“I bet it’s delicious!” comment naman ni Darren.

“Of course it is!” sagot naman ni Jin.

Nagsimula na kaming kumain.

“Extra rice!!” sigaw ni Jin.

“Me too!” sabi naman ni Darren.

Naglagay si Darren ng mas marami kaysa sa nilagay ni Jin.

“Hoy, sigurado ka ba diya? Baka sumakit tiyan mo.” Pabulong kong tanong kay Darren.

“I’m fine.” Sagot naman niya sabay subo.

Nagpatuloy ang pagkain hanggang sa wala nang matira sa lamesa.

“The best talaga ang luto mo Tita Mary! Pwede bang isama nalang kita pag balik ko sa US para everyday masarap ang ulam!?” pagbibiro ni Jin.

“Bakit naman kasi hindi ka nalng dito mag-aral? Parang dati?”

“Ayaw ni Daddy eh and sa tingin ko mas ok na rin na doon ako mag-aral, mas mataas kasi ang quality ng education. You know naman… standards!”

“Right! I think you’re being responsible na ah! Good for you! Oh well! Maupo na muna kayo sa sala at maglilinis muna ako.”

Kaming tatlo ay lumipat na sa sala at binuksan ko naman ang TV.

Can i have this dance?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon