Chapter 1

301 0 0
                                    

*1*

"Eto naman parang tanga sinabi ko na ngang dumaan na, eh!" Sabi ko kay Ales habang tinatapon yung plastic ng chips na kinakain ko sa malapit na trash bin.

"Hindi pa! Eh yung tropa niyang si Vince nasa may Chatime pa. For sure 'di pa 'yon pumapasok!"

Inirapan ko na lang siya.

"Bahala ka nga diyan! Malalate na tayo. Kala mo naman wala tayong quiz sa Taxation ngayon!"

Kaasar naman kasi ng prof na 'yon! Second meeting pa lang namin for this sem, quiz agad!

She just pouted at wala na rin siyang naggawa kaya tinapon niya na yung lalagyan ng kwek kwek na kinakain niya at tumakbo na papalapit sa tabi ko.

"Hoy, Gabby wait for me!"

Almost 20 minutes na kasi kaming nakatambay sa pavilion sa tapat ng building namin kasi kanina pa namin hinihintay si kuyang tiga Arts and Letters. Gusto raw niya muna kasing makita yung new-found crush niya para naman daw may inspiration siya bago kami mag quiz parang ewan.

Pagpasok namin sa classroom, as usual sobrang gulo na naman. May naglulunch pa rin, may nagpapatugtog ng music at cinonnect pa sa speakers ng room, may naglalaro ng mobile games sa gilid, may nag aaral, may nagsusulat ng kung anu-ano sa board, may natutulog at of course, may naglalandian din.

"What took you guys long? Buti nasa meeting pa raw si Ma'am Mendoza," Sabi ni Kylie, seatmate ni Ales na kaibigan rin namin.

"'Yang katabi mo sisihin mo, masyado na namang nagpapantasya sa Calvin loves niya. Pwe!" Sabi ko habang kinukuha yung reviewer ko sa bag ko.

"'Wag ka ngang bitter diyan, Gabby! Hanap tayo maya sa Acoustica, you like? Para naman 'di ka na brokenhearted diyan kay--"

"'Yo whats up, Gabby! Nag review ka na?"

Nagulat naman ako sa kung sinong umepal at tumabi sa tabi kong upuan. Nilagay niya pa yung right hand niya sa tip ng upuan ko so para tuloy siyang naka akbay sakin.

"Usog nga. Dikit ka nang dikit eh ang lagkit mo pa naman," Eh paano mukhang kakagaling na naman lang ng basketball.

Tuwing break kasi namin, naglalaro sila ng iba kong blockmates sa court malapit sa chapel kesa kumain ng lunch.

Nagtinginan naman si Ales at si Kylie na nagets ko naman ang ibig nilang sabihin bago sila umalis sa harap ko.

"Kahit paamoy ko pa sa'yo kili kili ko, mabango pa rin ako," Sabi niya habang kinuha na rin yung libro namin sa Tax sa bag niya. "Basta pa kopya ako mamaya ah!"

"Kadiri! Ewan ko sayo, Gutierrez! Dami mong sinasabi," Tumahimik na lang ako dahil nagreview pa ako ng saglit para sa quiz namin.

Di na rin siya masyadong nagsalita dahil nagsagot sagot din siya ng tanong sa libro kahit papano. Nagtatanong din siya kung pano isolve yung ganto ganyan sakin kaya in short, takot din siyang ma singko.

Dumating naman na yung prof namin sa Tax after 30 minutes kaya mas lalo kaming nataranta. Isa lang kasi ang ibig sabihin nun, may 1 hr na lang kami para sagutan yung 4 na tanong sa quiz niya pero ang haba ng computation.

"Hey Gabs, may ballpen ka pa ba diyan? Pahiram naman ako oh," Sabi niya uli sakin habang sinusundot yung tagiliran ko.

Napa irap na lang ako.

"Alam mo, 'di ko na talaga alam kung paano ka makaka survive sa college kung wala ako," Pagrarant ko habang hinahanap yung extra kong ballpen sa bulsa ng bag ko.

Nung nahanap ko na, binato ko sa kanya at buti naman nasalo niya  "Pang 25 mo na yan. 10k na utang mo sa 'kin."

"Noted boss. Thank you! Dabest ka talaga!" Sabi niya sakin habang may pa salute salute pang nalalaman. Nakita naman siya ng prof namin na ginagawa 'yon kaya pinagalitan siya.

UntitledWhere stories live. Discover now