Chapter 3

70 0 0
                                    

*3*

Nasa Acoustica na kami ngayon at of course, dahil ang promotor ng inom na 'to eh si Zak, halos buong block namin yung sumunod, including Gian and his friends.

"So ano, kelan mo ko sisimulang landiin?" Sabi agad ni Forth sakin pagbalik niya galing cr. He also put his hands on my shoulder habang naka dekwatro kaya lalo akong nairita.

"Excited masyado? Bawal mag warm up?" Laban ko.

Akala niya uurungan ko siyang papansin siya? Asa.

"Ano ba yan! Ang hina naman!" Sabi niya habang tumatawa. "Pero dahil kakastart mo lang, pagbibigyan kita. Landiin mo na yung seatmate mo. Ayun oh, sakto. Wala sina Zak."

Sinundan ko naman ng tingin yung kamay ni Fourth na currently nakaturo kay Gian. Mag isa ngang umiinom si Gian doon sa kabilang table dahil yung iba naming ka block na ka close niya eh busy na makipag landian at sumayaw sa dance floor.

First time nga eh, usually kasi nakikisayaw din siya sa dance floor, ngayon lang hindi.

Sina Belle at Ales eh ayon, todo ang pakikipag inuman kina Jops. Naglalaro kasi sila ng beer pong at ang mga gaga eh enjoy na enjoy. Di na ako sumali kasi the last time I joined them, sumuka ako ng dalawang beses sa CR.

Never again.

"'Di ka naman bored na bored niyan eh no? Umalis ka na nga dito! Maghanap ka na ng malalandi mo diyan para matanggal na yang kakatihan ng bibig mo." Sabi ko kay Fourth tapos nag sip doon sa hawak hawak kong Smirnoff.

Ayokong malasing today. Mahirap na baka madulas ako kay Gian na gusto ko siya edi gg.

"Eh 'di ba nga ikaw na lalandi sakin, bakit pa ako maghahanap ng iba?" Binatukan ko nga siya.

"Aba feel na feel mo din talaga! Lumayas ka na nga! Chupi!" Sinipa sipa ko yung paa niya para umalis na siya sa tabi ko pero ayaw niyang umalis.

Bigla niya namang tinanggal ng tuluyan yung uniform niya kaya naka tshirt na lang siya ng white ngayon. Kanina kasi naka bukas lang yung butones ng uniform niya.

"H-Hoy naman! Bakit ka naghuhubad sa harap ko! 'Di mo kinagwapo yan ah!" Pero binato niya lang sakin yung long sleeves niya na tumama pa sa mukha ko. "Aanhin ko naman 'to?"

"Patong mo sa legs mo. Iksi ng palda mo eh."

Ininom niya yung last shot glass na may lamang Jack Daniels saka tumayo at umalis.

Anong trip non?

Napatingin ako sa longsleeves niya na nasa lap ko at sa legs ko.

Oh okay gets ko na.

'Di ko napansin na umaangat na pala skirt ko kaya hinatak hatak ko naman pababa. Sinunod ko nalang yung sinabi niya at pinatong ko nga sa lap ko yung uniform niya.

"Hoy pag eto namantsahan 'di ko kasalanan!"

Pero mukhang di niya na ako narinig dahil di na siya sumagot. Ang lakas din kasi ng music dito sa acoustica eh. Kala ata nung may ari bingi yung mga tao dito.

Actually medyo kaunti lang ang tao dito ngayon dahil kalagitnaan palang ng week. Wednesday pa lang kasi. Pag Friday sobrang jampacked na mga studyante dito. Meron din namang ibang studyante pero di ganoon kadami compared samin. Almost 20 ata sa block namin yung pumunta kaya sobrang ingay.

Dahil wala na akong makausap, lumipat naman ako sa kabilang table at umupo sa tabi ni Gian habang dala dala pa rin long sleeves ni Fourth. Mukhang problemadong problemado siya. At mukhang alam ko na kung tungkol saan.

UntitledWhere stories live. Discover now